^

Pang Movies

Mylene Dizon at Jason Webb walang planong pakasal!, Greetings of a Peaceful and Prosperous 2015 to all our readers of Pang Masa (PM)!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

New Year, new network ang mahusay na actress na si Mylene Dizon, sa opening salvo ng GMA 7, ang Once Upon A Kiss na magtatampok sa teen love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali simula sa Monday, January 5, 2015, after ng 24 Oras, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Walang problema kay Mylene kung lumipat man siya sa Kapuso Network although for almost 20 years in showbiz, madalas na sa ABS-CBN siya gumagawa ng teleserye, dahil wala naman siyang exclusive contract sa kanila at pwede siyang magtrabaho kahit saang network. Hindi na rin bago sa kanya ang pagbalik sa GMA dahil ginawa na niya in 2008 ang Dyesebel with Marian Rivera at gumanap siyang si Dyangga.  Gumawa na rin siya noon ng Sosy Problems sa GMA Film.

Hindi rin issue kay Mylene na gumanap na nanay ni Miguel dahil she’s already 40 years old at may dalawa siyang anak, sina Tomas, 9 at Lucas, 5. Biniro namin si Mylene na sabi ni Miguel, natatakot siya sa actress, sagot nito, hindi raw naman halata na takot sa kanya si Miguel dahil mabait daw ang bagets at magaang katrabaho.  Natutuwa raw siya sa kanila ni Bianca although nang kausap namin siya, hindi pa niya nakakaeksena si Bianca maliban noong nag-shoot sila for the audio-visual presentation.  Nakikita raw niya ang magandang chemistry nina Miguel at Bianca on screen.

Siya raw ang magiging kontrabida sa buhay nina Prince (Miguel) at  Ella (Bianca) dahil ayaw niya sa poor na si Ella at kaaway pa niya ang ina nito, played by Manilyn Reynes.

Hindi nagkaila si Mylene tungkol sa kanyang lovelife.  One year na raw sila ngayon ng boyfriend niya, ang dating cager na si Jason Webb na separated na rin sa dating asawang si Claudine Trillo. Kung may two sons siya, may two daughters naman si Jason at halos of same age sila.  Magkakasundo raw ang apat na anak nila - ang mga anak niya (kay Paolo Paraiso) at kasundo rin niya ang mga anak ng boyfriend.  Wala raw silang balak magpakasal ni Jason at wala ring balak dagdagan pa ang mga anak nila.  Tama na raw na magkasundo sila ni Jason sa relasyon nila dahil masaya silang lahat.

Camille Prats pinutol ang bakasyon sa Amerika

Pabalik na si Camille Prats from her family US Christmas vacation na kailangang i-cut short niya dahil may pasok na ang anak na si Nathan at magsisimula na rin ang bago niyang drama series sa GMA 7, ang Second Chances with Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, Luis Alandy, Roi Vinsons, na dinidirek ni Laurice Guillen, simula sa Monday, January 12.

Pero bago umalis si Camille nakapag-tape na siya ng New Year’s presentation nila ng co-host na si Suzy Entrata, sa Mars tonight sa GMA News TV, 7:00 p.m.  Special guests nila sa chikahan portion nila sina Gwen Zamora at Dang Cruz with a financial expert who will give advise kung paano natin isi-save ang perang pinaghirapan nating kitain.  At si Dang ang in-charge para sa kanilang New Year’s eve dinner sa show.

vuukle comment

BIANCA

BIANCA UMALI

CAMILLE PRATS

MIGUEL

MYLENE

NEW YEAR

NIYA

RAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with