^

Pang Movies

First time kasi gumawa ng comedy Jennylyn sumumpang hindi inaasahang masusungkit ang Best Actress award

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi naman inaasahan ni Jennylyn Mercado ang pagkakapanalo niya as Best Actress. Walang-wala sa hinagap niya na siya ang mag-uuwi ng tropeo. Although bago pa man ang awards night ay marami na ang nagsasabi sa kanya at sa manager niyang si Becky Aguila na malaki ang laban ng aktres, hindi nila inisip na magkakatotoo ito.

Kaya naman sobrang saya ni Jen at ng kampo niya nang inanunsyo na siya ang nanalo.

Walang pagsidlan sa tuwa ang mga loyal fans ni Jen na noon pa ay talagang very supportive na sa aktres. The moment na inanunsyo ang Best Actress winner, kanya-kanya na silang post ng congratulatory message sa Facebook, Instagram, and Twitter.

Maging ang manager ni Jen ay hindi rin makapaniwala. Say nga niya, sa wakas ay nakasungkit din ang alaga after 10 years sa industry.

Kahapon, sa kanyang Facebook account ay nag-post si Tita Becky ng pagbati at pasasalamat.

“Congratulations JEN! Finally nasungkit mo na din ang mailap na Best Actress Award After 10 years in this business, you have proven your worthy and versatility! We are all so proud of you! Love you Beh! thank you English Only Please! THANK YOU LORD!” ang post ni Tita Becky.

Sa panayam naman kay Jen ng taga-media after the awards night, ipinahayag ng aktres kung gaano siya kasaya for bagging the trophy. Pero aniya ay hinding-hindi niya inaasahan na mananalo siya kaya naman talagang nang inanunsyo na siya ang winner ay sigaw siya nang sigaw.

“I swear hindi ko in-expect na bibigyan ako ng ganitong klaseng award. First time namin gumawa ng comedy. Nakakagulat talaga,” pahayag ni Jen sa mga reporters at taga-media na nag-interview sa kanya.

Of course, ang nakamit na first acting award ay inaalay niya sa kanyang nag-iisang anak na si Alex Jazz, ang kanyang inspirasyon at kaligayahan sa buhay.

Congratulations Jen and Derek, kay Atty. Joji Alonzo of Quantum Films, at sa lahat ng bumubuo ng English Only, Please. Hopefully, after the awards night ay mas lalo pa itong lumakas sa takilya.

vuukle comment

ALEX JAZZ

BECKY AGUILA

BEST ACTRESS

BEST ACTRESS AWARD AFTER

CONGRATULATIONS JEN AND DEREK

ENGLISH ONLY

ENGLISH ONLY PLEASE

FACEBOOK

JEN

TITA BECKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with