^

Pang Movies

Top 10 movies Star Cinema at Viva lang ang may gawa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Top three movies basehan na naman ng best picture?

Mamayang gabi na ang Gawad Parangal ng 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) na gaganapin sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center (PICC) in Pasay City. Two successive years nang host ng programme si  Kris Aquino (sa first part) at second part, si Edu Manzano na ang magho-host.

Marami na ang nagsasabi na malakas ang laban ni Robin Padilla sa best actor category at ang movie niyang Bonifacio: Ang Unang Pangulo sa best picture. Last year, 12 awards ang nakuha ng movie ni Robin na 10,000 Hours, mangyari kaya muli ito ngayon kay Robin at sa kanyang pelikula? Sinu-sino kaya ang mananalong three best pictures, (masunod kaya muling maging best pictures ang top three movies?),  ang Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, Gender Sensitive Award at ang FPJ Memorial Award for Film Excellence.  Pero pwede ring lumaban ang Kubot: The Aswang Chronicles 2 at ang romantic-comedy movie na  English Only, Please.

Catering sa Royal Wedding, 8!

Magkasamang nanood ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 noong opening day ng MMFF ang ikakasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Glorietta Cinema, kasama ang mommy Angeline ni Dingdong.  Siyempre pa ay tuwang-tuwa at nasorpresa ang mga manonood na nakasabay nilang nanood ang bida ng movie  at may cameo appearance naman si Marian.  After nilang manood, tumuloy sa Cavite ang dalawa to spend Christmas day sa family ni Marian doon.  Noong Christmas Eve, kasama si Marian ng Dantes family.

Tuluy-tuloy pa rin pala ang mga last minute preparations sa kasal at reception sa MOA Arena nina Dingdong at Marian.  Nalaman naming walang bakasyon ang mga tao ng wedding coordinator na si Teena Barretto, maliban noong Christmas day.  Nalaman din naming walo (8) ang catering services sa reception at inayos iyon ni Teena para maging smooth ang flow sa pagkuha ng food ng mga guest.

Ang mga ninong at ninang naman ng ikakasal, sigurado ang pagdalo like ang mag-asawang Ogie at Regine Alcasid na kasalukuyang nagbabakasyon sa Australia, pero babalik sila rito sa December 29, gayundin si Direk Mark Reyes na ika-cut short ang Christmas vacation with his Mom sa Los Angeles, California at narito na rin siya sa December 29.  Sure na rin ang pag-attend ng bridesmaid niyang si Bianca Gonzales-Intal at hindi muna itinuloy ni KC Concepcion ang bakasyon abroad dahil sila ni Senator Bam Aquino ang mga cord sponsors.

At bago nga ang wedding nina Dingdong at Marian sa December 30 sa Cathedral of the Immaculate Conception sa Cubao, Quezon City, may special feature si Jessica Soho sa kanyang  Kapuso Mo Jessica Soho bukas, September 28, sa GMA 7 at 7:45 p.m. titled The One: Ang Lovestory nina DongYan at Sambayanan. Ipakikita ni Jessica ang mga romantic details ng power couple na ngayon lamang malalaman ng bayan.  Lagi kasing sinasabi nina Dingdong at Marian na part na ng buhay nila ang sambayanan kaya gusto nilang i-share sa kanila ang mga bagay-bagay na hindi pa nila alam tungkol sa kanila.

vuukle comment

ANG LOVESTORY

ANG UNANG PANGULO

ASWANG CHRONICLES

BIANCA GONZALES-INTAL

CATHEDRAL OF THE IMMACULATE CONCEPTION

DINGDONG DANTES

DIREK MARK REYES

EDU MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with