^

Pang Movies

Magkasama sa isang show nagpaplastikan na lang, galit sa isa’t isa sasabog na

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – May feeling ang ilang malalapit sa isang tandem sa showbiz na sasambulat ang galit nila sa isa’t isa sa mga darating na araw, huh!

Napapanood sa TV ang tandem na ito. Maayos naman silang tingnan at parang walang problema sa kanila. Pero kapag off camera na ay nandoon ang galit nila sa isa’t isa, huh! Maging sa TV plug ng show na kinabibilangan, ‘yung isa sa kanila lang ang may malaking exposure. Ipinagsintir ‘yon ng isa, huh! Bakit daw wala siyang exposure na ginawa ng ka-tandem niya!

Likas kasing mareklamo ang isa habang tahimik naman ang partner. Pero kapwa sila buwisit sa isa’t isa kahit magagaling silang artista kaya hindi ito halata sa TV, huh!

Aktor ayaw pa ng pangmatagalan na commitment KC takot i-pressure si Paulo

Feeling ni KC Concepcion, hindi pa ready ang special friend na si Paulo Avelino sa marriage. Kaya naman iwas siyang malagyan ng ibang label ang friendship nila at kuntento na sila sa maganda nilang samahan.

“Kaya naman kapag nakakita siya ng ibang babae na swak sa ugali niya at swak na gusto niya, puwede naming pag-usapan.

“Ayoko naman na mapi-pressure. Kasi mamaya, may gawin kami in the future, waley rin!” say ni KC nang kausapin ng press matapos ang handog niyang Christmas Party sa Gerry’s Grill last Monday.

Ngayong Pasko, sa Manila idadaos ni KC at ng pamilya ang holidays kumpara noong nakaraang Pasko at Bagong Taon na nasa ibang bansa sila. Sa panig naman ni Paulo, inimbita niya ang pamilya na nasa Baguio upang kasama niya sa Manila ngayong Pasko.

Eh, silang dalawa, may planong magsama sa Pasko?

“Family po muna eh. Hindi ko alam kung after noon. Siyempre, hindi naman ako gagawa ng plano. Hintayin ko siyang mag-invite! Ha! Ha! Ha!” saad ng host-actress.

Kapwa raw strict ang families nila ni Paulo kaya clueless siya kung papayagan sila na magkasama ngayong Christmas.

“Baka after ng lahat-lahat, then, puwede na. Pero kailangan family muna,” rason niya.

Sa pagpasok ng 2015, ang kalusugan niya ang kanyang gustong ingatan. Nadale siya this year ng pneumonia at dengue.

“Good health, fitness, be at my best form para best beautiful! Ha! Ha! Ha! saka makagawa uli ng project na iba na naman ang role. Ayoko kasi ng nag-i-stay lang sa princess na ganoon. Marami nang guma­gawa,” sambit ng host-actress.

May bago siyang project sa Dreamescape next year. Sa proyekto niyang Christmas dra­ma special na Exchange Gift, nadiskubre ang isang fa­cet ni KC sa pag-arte.

“Nadiskubre nila na puwede akong…Hindi lang pang-bida o kontrabida! Ha! Ha! Ha!

“Para ano lang siya eh. Young. Parang naïve na may-heart. Nag-mature siya. Pero wala siyang kamalditahan! Hindi nang-aagaw ng lalaki.

“Ibang-iba siya. Mas wholesome. Bida,” sagot ni KC.

Ano ang na-realized niya sa unang team up nila ni Paulo?

“Dapat malalim ang understanding ninyo ng isa’t isa. Because kung hindi, ‘yung mga little things, puwede ninyong pag-awayan and then, maging big things na ayaw naman ninyong saktan ang isa’t isa.

“And it’s the same story parang sa Exchange Gift na ‘yung maliit na bagay, nagiging malaking bagay because of the way na mag-fight!

“In relationship, it’s the way you fight. Wala namang perfect eh. Pero paano ba kayo mag-away? Paano ba ninyo i-solve ang problema? Nagsusumbatan ba kayo? Nagpipikunan ba kayo?” saad ng aktres.

In reali life ba, nag-aaway sila ni Paulo?

“Oo naman! Of course! Kahit naman sinong best friends!” tugon ni KC.

Paano sila mag-away ni Paulo?

“’Yung makikita ninyo sa eksena! Ha! Ha! Ha! Parang…Siguro kahit papano, matalino naman siya. Siyempre, ia-act out niya ‘yung kanya at siguro hindi naman ako bobo para sabihin ang sa akin,” pahayag ni KC.

Masaya man ang feeling ni KC sa special friendship nila ni Paulo, may lungkot pa rin sa mata niya dahil ngayong Pasko at Bagong Taon, kanyang mami-miss ang best friend at Mamita Elaine Cuneta.

vuukle comment

BAGONG TAON

EXCHANGE GIFT

ISA

NAMAN

NIYA

PASKO

PAULO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with