^

Pang Movies

Bimby nagmaktol nang maipit sa traffic, muntik ‘di makasama sa parada ng MMFF

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Cry me a river si Bimby Yap dahil muntik na siyang hindi maka-join sa float ng Praybeyt Benjamin 2 sa Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival 2014 na ginanap kahapon sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Naipit ng terrible traffic situation sa Edsa si Bimby at ang kanyang nanay na si Kris Aquino dahil sa parada.

Mabuti na lang, nakahabol sa parada ang bagets or else, hindi matatapos ang pagmamaktol niya. Ganyan ka-propes­yonal si Bimby sa murang edad.

Umabot sa Edsa Ortigas area ang trapik na nilikha ng MMFF Parade of Stars.

Imbyerna ang mga motorista at pasahero na dumaan sa Edsa dahil hindi nila expected ang domino effect ng parada ng mga artista.

Kampante sila na maluwag ang traffic situation tulad noong Lunes na nanibago pa ang mga tao dahil hindi siksikan ang MRT at maluwag sa Edsa.

Nag-promise si MMDA Chairman Francis Tolentino na matatapos ang parada bago mag-takip silim para lumuwag ang daloy ng trapiko.

Sa susunod na taon, dapat na ma­ging araw na ng Linggo ang MMFF Parade of Stars para hindi na napeperwisyo ang madlang-bayan. Nakadagdag pa kahapon sa paglala ng sitwasyon ang suspension ng number coding scheme.

Pabonggahan ng float

Bongga ang mga float na pumarada kahapon. Ang float ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo ang pumukaw sa atensyon ng mga tao at pangalawa ang float ng My Big Bossing. Hin­di nagpatalbog ang kulay ginto at massive float ng Magnum .357, ang pelikula ni ER Ejercito. Hindi puwedeng i-deny na ginastusan ng produ ang float ng Magnum .357.

Daniel bumaba ng float para yakapin ang fan na todo iyak

Proud na proud si Robin Padilla sa kanyang pamangkin na si Daniel. Bumaba ng Bonifacio float si Daniel para mapagbigyan ang request na mayakap siya ng isang female fan na iyak nang iyak.

Tuwang-tuwa ang fan sa atensyon na ibi­nigay sa kanya ni Daniel. Kung ibang artista ang nasa posis­yon ni Da­niel, malamang na dedmahin niya ang avid fan.

Nakita ni Robin ang buong pangyayari kaya maligayang-maligaya siya. Kumbinsido si Robin na taglay ng kanyang pamangkin ang lahat ng kata­ngian ng isang young actor na good role model ng mga kabataan na pag-asa ng bayan.

vuukle comment

ANG UNANG PANGULO

BIMBY

BONIFACIO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

EDSA

EDSA ORTIGAS

FLOAT

KRIS AQUINO

PARADE OF STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with