^

Pang Movies

Iba na ang mayaman Nanette Medved tinupad ang wish ng mga anak na bakasyon sa Iceland

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nag-greet sa akin ng Merry Christmas si Nanette Medved sa pamamagitan ng isang text message.

Ikinuwento sa akin ni Nanette na magbabakas­yon sila ng kanyang asawa at mga anak sa Iceland dahil ito ang Christmas wish ng mga bagets.

Sosyal na mga bata ‘di ba? Dinaig pa nila ako dahil sa tanda ko na ito, hindi ko alam kung saan ang Iceland.

Ipina-research ko pa ang exact location ng Iceland kaya nalaman ko na matatagpuan ang naturang bansa sa juncture ng North Atlantic at Arctic Oceans.

I’m sure, sobrang lamig sa Iceland dahil sa pangalan pa lang, yelong-yelo ang bansa na type na puntahan ng mga sosyalerong anak ni Nanette.

Umalis kahapon ang pamilya ni Nanette para sa kanilang Iceland vacation at sa second week na ng January 2015 ang balik nila.

Pamilya ni Alfred aalis din pa-Italy

Pupunta naman sa Italy si Congressman Alfred Vargas at ang kanyang pamilya.

Aalis si Alfred, ang kanyang misis at dalawang anak sa December 27 at sa January 20 na ang I shall return nila sa Pilipinas.

Matagal nang nakaplano ang biyahe nina Alfred sa bansa ng kanyang misis na si Yasmine. Every year, nagbabakasyon sa Italy ang Vargas family para makapiling nila ang mga magulang at kapatid ni Yasmine.

Amy three months din sa New Zealand

Out of the country din ang another alaga ko na si Amy Austria.

Naunang umalis si Amy papunta sa New Zealand para bisitahin ang kanyang anak na si Alex at apo na si Sabine.

Si Amy ang pinakamatagal na mawawala dahil almost three months ang bakasyon nila sa New Zealand ng kanyang mister na si Duke Ventura.

Ganyan ka-sosyal ang mga alaga ko dahil may time sila na mag-time out nang matagal sa work para i-enjoy ang kanilang mga pinaghirapan.

Mahal, maskulado ang bagong karelasyon

Kawawa naman ang baklitang aktor na si Jimboy Salazar na inaakusahan na gimikero dahil sa kanyang pralala sa Startalk noong Sabado na magpapakasal na sila ng boyfriend niya na working sa Singapore.

Kaliwa’t kanan ang mga panglalait kay Jimboy na inakusahan na desperada para magkaroon ng mga free publicity.

Hayaan na natin si Jimboy sa kanyang ilusyon portion ‘no!

Mas tanggap ko na yata na magpakasal siya sa kapwa mhin kesa ma-link siya kay Mahal. Mas believable ang pagiging baklita ni Jimboy kumpara sa pagpatol niya kay Mahal na maligaya na ngayon sa piling ng isang maskuladong lalake.

Suplada si Mahal dahil ayaw na nito na tinatanong siya tungkol kay Jimboy. Mas inspired si Mahal na sumagot kapag topic ng usapan ang  kanyang boyfriend kuno na Aries something ang pangalan.

Young actor na napapaligiran ng mga bading, malamya nang kumilos

Nalamyaan ako sa isang young actor na napanood ko sa TV noong isang araw.

Malambot ang pagsasalita ng bagets kaya may duda ako na ‘yon ang epekto ng mga baklita na nakapaligid sa kanya.

Mga bading ang karamihan sa kaibigan ng nanay ng young actor. Hindi nawawalan ng mga baklita sa buhay ng young actor at ng nanay nito.

Sana, soft-spoken lang ang young actor. Mali sana ang duda ko na may pagkabaklita ang bagets at lilitaw ito kapag nagbinata na siya.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

AMY AUSTRIA

ARCTIC OCEANS

JIMBOY

KANYANG

NANETTE

NEW ZEALAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with