^

Pang Movies

Sharon wala nang makakatulong sa paghahanda ng Noche Buena

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - First time ni Megastar Sharon Cuneta na wala ngayong darating na Kapaskuhan ang kanyang loving mama na si Mommy Elaine Cuneta. Katulong daw kasi ang mommy niya kapag naghahanda ito ng Noche Buena. Napakahirap daw isipin, pero gagawin niyang harapin ang dara­ting na petsang ‘yun. Ganito rin more or less ang feeling ni KC Concepcion na kilalang lola’s girl.

Gov. Vi first time magpa-Pasko na wala si Ate Aida

Malungkot din ang magiging feeling ni Gov. Vilma Santos da­hil hindi niya makakasamang magpa-Pasko ang kaibigan at pi­nag­kakatiwalan niyang si Ate Aida Fandalian. Siya rin daw ang taga-asikaso ng lahat ng taong dapat niyang maalala tuwing Pasko. Mabuti na lang at nariyan ang kanyang Ate Amylyn, alam rin nito ang pasikut-sikot at mga kakailanganin ng gobernadora.

AiAi inaalat ang career dahil sa BF?! 

Nakapagtataka kung bakit kailan pa nalalapit ang darating na Kapas­kuhan ay saka naglalabasan ang mga kanegahang balita tungkol kay AiAi delas Alas. Hindi na raw mainit ang pagtanggap ng public sa movie nilang Past Tense gayung isinama pa sa movie sina Kim Chiu at Xian Lim. Noong masama naman siya sa isang show, hindi na raw matunog ang palakpakan ng mga tao. Bakit kaya ganu’n ang kinakaharap ng komed­yana? Hindi na rin matutuloy ang pagtakbo nito sa Batangas sa darating na eleksyon.

Sabagay, ganyan naman sa showbiz, kapag happy ka sa lovelife, nagsa-suffer naman ang career. Mabuti na lang, meron siyang bagets na BF na katuwang niya sa pagharap sa problema.

MOWPAP photo contest inulan ng intriga

Ano bang nangyari sa photo exhibit ng MOWPAP na ginaganap kamakailan sa QC Hall? Mara­mi kasi ang nagtatanong kung sinu-sino ba ang mga nananalo sa patimpalak? Malapit na kasi ang Pasko. Importante siyempre ang pa­prem­yong mapapanalunan nila. Naging judges sa contest sina Direk Uro Dela Cruz at Action star Mike Magat. Totoo bang hanggang ngayon ay gina­ga­wa pa rin sa shop ang in-order nilang mga tro­­peyo? Naku, ano ba ‘yan magpa-Pasko na!

Bettina Carlos nag-share ng blessing, nagpa-raffle para sa press

Bongga ang Christmas party ng GMA para sa press. Umuulan talaga ng datung at mga gifts. Naging hosts sina Bettina Carlos, Boobay, at Pekto.

Nagpa-raffle pa nga si Bettina ng two thousand pesos. Share your blessings daw ang drama niya, dahil marami siyang projects ngayon.

Philharmonic Orchesta na pinangunahan ni Gerard Salonga nangharana sa press

Hindi nagpahuli ang ABS-CBN, dahil umulan din ng datung at mga pa-raffle ng malalaking amount. At huwag isnabin ang ABS-CBN dahil Phil­harmonic Orchestra pa ang tumugtog kasama ang maestro nilang si Prof. Gerard Salonga. Winner si Ms. Ethel Ramos, bilang the most loved among movie press. Ayaw ding patalbog sa kanyang kasuotan ng gabing ‘yun sina Julie Bonifacio, Rey Pumaloy, at Leo Bu­kas. Present din sina Ms. Cory Vidanes, Kane Choa, at Mr. Bong Osorio, na nakipagsaya sa mga kasambahay na movie press. Host sa naturang party sina Ogie Diaz at MJ Felipe.

                             

vuukle comment

AIDA FANDALIAN

BETTINA CARLOS

GERARD SALONGA

PASKO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with