^

Pang Movies

Snooky ipinaubaya na ang mga anak sa kanilang stepmother!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Happy si Snooky Serna sa lovelife ngayon ng kanyang ex-husband na si Ricardo Cepeda.

Sey ni Snooky na deserve naman daw ng kanyang ex-hubby na maging masaya sa kanyang buhay at mabuti na lang daw at ang tulad ni Marina Benipayo ang naging karelasyon niya.

Maganda ang mga sinabi ni Snooky tungkol kay Marina at mahal na mahal nga raw siya ng kanyang mga anak.

Samantha and Sachi are so in love with her. Every time na magkakakuwentuhan kami, they talk about her.

“Sa totoo lang, I should feel jealous, ‘di ba? Kasi as a mother, siyempre, you want your kids na ikaw lang ang mahalin. Pero I don’t feel that way kay Marina.

“Hindi ako nagseselos sa kanya with my kids. Kung ibang babae siguro ‘yan, I would feel threaten dahil gustung-gusto siya ng mga anak ko.

“But with Marina, I also love her for my kids.

“Matagal ko na ring nakilala si Marina and I know din how much she loves my kids.”

May mga nagagawa raw kasi si Marina na hindi kayang gawin ni Snooky.

“Marina gets to do different sports with my daughters. Very active kasi si Marina and it shows naman sa katawan niya.

“I will admit na ‘yung mga ginagawa ni Marina for Sam and Sachi, hindi ko kayang gawin. Alam n’yo naman na stay-at-home beauty lang ako.

“Kaya I am happy that my girls found someone like Marina who can spend time with them with the activities that they like doing.

“Kung ako kasi ang aasahan nila, naku, manood na lang tayo ng sine mga anak!” tawa pa niya.

Hoping nga si Snooky na sa 2015 ay maging maganda na ang takbo ulit ng career niya.

More than a year na pala siyang walang regular na nilalabasan na teleserye. Mabuti na lang daw at hindi siya nawawalan ng guestings sa iba’t ibang shows.

“Yung last teleserye ko was Genesis pa with GMA 7. Thankful naman ako for a few friends who calls me up at nabibigyan ako ng chance na mag-guest sa shows nila.

“Also with Net25, they are helping me with a few guestings din.

“Pero may mga nagawa naman akong mga indie film like ‘yung Homeless and Esoterika: Maynila.

“I also have a movie with Star Cinema na bida sila Maja Salvador and Dennis Trillo. Nagka-one shooting day na kami and we will resume in January 2015 na.

“So hopefully, pagpasok ng 2015, things will be different for me. I want to work and be productive again,” pagtatapos pa ni Snooky Serna.

The Fault in Our Stars actor

na si Ansel Elgort nagsalita

na tungkol sa kabadingan

Sinagot na ng promising Hollywood star na si Ansel Elgort ang tanong kung siya ba ay isang gay?

Sa pamamagitan ng Twitter ay sinagot ng 20-year-old star ng The Fault in Our Stars and Divergent ang matagal nang gay rumor tungkol sa kanya.

“Just in case it isn’t clear... I like girls. A lot.

“Also let me say if I was gay I wouldn’t hide it. Being gay or straight isn’t bad or good it just IS U are who you are. Be true to yourself.”

Inamin din ni Ansel na big supporter siya ng LGBT community in New York kung saan siya ipinanganak at lumaki.

In fact, sa next project niya titled Deadline ay gaganap siya bilang ang kilalang gay pianist na si Van Cliburn.

Noong nakaraang August ay nakipag-break sa kanya ang kanyang girlfriend from high school na si Violetta Komyshan. Dahil nga sa hectic schedules ng aktor kaya nauwi sa hiwalayan ang relasyon niya.

Ayon sa rep ni Ansel: “They tried to navigate his commitments, but between filming and press for the movies it got difficult.”

vuukle comment

ANSEL

ANSEL ELGORT

DENNIS TRILLO

MARINA

OUR STARS

SNOOKY

SNOOKY SERNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with