^

Pang Movies

Pero aktres ayaw ng may kahati sa pag-ibig, Robin at Vina mukhang mahal pa ang isa’t isa

- Vinia Vivar - Pang-masa

Parang nalagay sa hot seat kahapon sina Robin Padilla at Vina Morales sa presscon ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo dahil naukilkil ng entertainment press ang kanilang nakaraan at pati na rin ang kasalukuyan.

As we all know, dating magkarelasyon noon sina Vina at Binoe at nasaksihan din ng lahat kung gaano kalalim ang naging relasyon nila noon.

Si Vina ang gumaganap na Gregoria de Jesus sa Bonifacio, Ang Unang Pangulo na asawa ni Andres Bonifacio at matatandaang si Iza Calzado sana ang gaganap nito pero tinanggihan ng aktres dahil hindi kaya ng kanyang schedule.

Ayon kay Binoe ay si Vina raw talaga ang kanyang personal choice na maging leading lady. Kung may iba man daw choices ang kanyang direktor na si Enzo Williams, siya raw ay walang ibang choice kungdi ang aktres.

Sa presscon ay maraming tanong sa dalawa at panay ang kantyaw sa kanila ng mga reporters dahil kitang-kita rin naman sa kanila na parang kinikilig-kilig sila sa mga tukso.

Pero ayon kay Vina, happy daw siya for Binoe na masaya na ito sa piling ni Mariel Rodriguez dahil noong araw nga raw kasi ay masyadong magulo ang buhay ng aktor, noong panahong sila pa.

Inamin din ni Vina na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Robin noon at ang maganda naman daw sa aktor, humingi ito ng tawad sa kanya habang nagsu-shooting nga sila ng pelikulang Bonifacio.

Sa tinagal-tagal ng panahong nagdaan, we were surprised na ngayon lang pala nakahingi ng tawad si Binoe sa kanya.

“Kasi, matagal kaming hindi nagkita, nag­ka­trabaho, and siyempre, hindi naman ganu’n kaganda ang paghihiwalay namin before. Ho­nest­ly, there was this time na habang nag­ba-bonding kami while we were shooting, humingi naman siya ng tawad. So, napatawad ko naman siya.

“And he’s really thankful na never naman talaga akong nagsalita ng masama kay Robin even though siyempre, that time, nasaktan ako,” pahayag ni Vina habang nangingiti naman si Binoe pati na ang kapatid niyang si Rommel Padilla.

“Really, talagang maganda ang a­ming pagsasamahan ngayon, and I hope it will stay this way and we’re so excited for the movie, actually. ‘Yun ang pinakaimportante sa lahat and the friendship is still there,” pahayag ni Vina.

When asked kung may pagkakataon bang dumalaw si Mariel Rodriguez sa shooting ng movie, ani Vina ay wala naman daw sa mga eksena niya. Ewan lang daw niya sa mga eksena ni Binoe.

Pero ayon sa tsika, may isang insidente na may shooting sila sa monumento ni Bonifacio sa Monumento at dumating si Mariel pero hindi bumaba ng kotse. Kaya naman pinalinaw ito ng entertainment press sa action star na kaagad namang umaming may ganu’n ngang nangyari.

“Nangyari ‘yun, pero ang kaganapan do’n, ang Nov. 30, alas-siete pa lang ng umaga, may event na do’n, nag-flag raising kami, nagbigay ako ng talumpati do’n.

“Dumating ng ala-una ng hapon, nag-umpisa ‘yung Revicon (event), si Mariel ‘yung special guest sa Revicon, wala siyang kinalaman sa pelikulang Bonifacio. Kaya nang dumating si Vina, pinagtago ko na si Mariel. Oras na ni Gregoria de Jesus.

“At naiintindihan naman ni Mariel ‘yun. Katunayan, saksi si Jasmine (Curtis na cast din) do’n, na talagang hindi lumabas si Mariel do’n sa kuwarto. Talagang ibinigay niya ang entablado kay Vina. Ang tanong lang niya sa akin, saan ako humalik. Kasi may kissing scene kami do’n sa kantahan,” paglilinaw ni Binoe.

“Totoo ‘yun, pero walang nangyaring gulo, kasi aral naman ako kay Rommel kung paano magdala ng babae,” natatawa pang sabi ni Binoe.

Dahil alam naman nating lahat na Muslim si Binoe at puwedeng magkaroon ng mahigit sa isang asawa, indirectly ay natanong ang Action King kung possible bang magkabalikan pa sila ni Vina since single naman ang aktres ngayon.

“Ang dapat sumagot diyan, si Vina. Kasi si Mariel, alam niya na nag-asawa siya ng isang Muslim, alam niya ‘yun. Kung merong dapat sumagot kung siya ba ay open, siya ‘yun.

“Si Mariel, given na ‘yun, eh. Alam niya ang pinasok niya. Si Vina, ‘di ko alam kung alam niya ang pinasok niya,” pahayag ni Binoe na natatawa habang si Vina naman ay panay “Oh my God” ang nasambit.

So, hindi naman puwedeng hindi hingan si Vina ng reaksyon. Halimbawa bang mag-offer sa kanya si Binoe, ano ang magiging desisyon niya?

“Ever since naman, talagang hindi naman mahirap mahalin si Robin. Alam naman natin ‘yun, talagang napaka-lovable ni Robin. Kaya lang siyempre, mahirap namang marami kang kahati sa pag-ibig.

“Hindi ko talaga alam pero tao tayong lahat, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin in the future, at hindi tayo dapat nagsasalita nang tapos.

“But if you’re asking me now, I don’t want to be in a relationship na magulo. If they’re both happy, I am also happy for both of them. ‘Yun lang ang maisasagot ko, iinom na lang ako ng wine,” pahayag ni Vina sabay hawak ng kopita ng red wine.

Ang Bonifacio, ang Unang Pangulo ay official entry ng RCP Productions to 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) na showing sa Dec. 25. Kasama rin sa movie sina Eddie Garcia, Jasmine Curtis, Daniel Padilla, RJ Padilla, Isabel Oli, Ping Medina, Cholo Barretto, at marami pang iba.

vuukle comment

ALAM

BINOE

BONIFACIO

KUNG

MARIEL

NAMAN

NIYA

VINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with