^

Pang Movies

Pagigng ‘hari’ ni FPJ wala nang makakapantay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Honestly, nakalimutan na namin ang petsa at nagtaka pa kami nang madaanan namin ang monumento ng hari ng pelikulang Pilipino, si FPJ (Fernando Poe, Jr.), diyan sa Roxas Boulevard noong isang araw. Kasi may nakita kaming nakatirik na mga kandila at may mga bulaklak. Pero mukhang ilang admirers lang ni FPJ ang gumawa noon, alam naman ninyo kung opisyal ng gobyerno ang naglagay noon, tiyak na malaking korona ng bulaklak iyon. Pero simple lang eh. Nag-isip pa kami, bakit kaya may mga kandila at bulaklak sa monumento ni FPJ.

Pagdating namin sa bahay, at saka namin narinig sa radio, sampung taon na nga palang nawala si FPJ, na hanggang ngayon ay kinikilalang Hari ng Pelikulang Pilipino. Natawa pa nga kami dahil sabi noong announcer sa radio, “the man who should have been President of the Philippines.” Pero huwag na nating pag-usapan iyang pulitika at kung anuman ang nangyari. History na ang bahala diyan.

Pero sa show business, sampung taon na pala ang nakalipas simula noong yumao si FPJ, pero walang naideklara, o masasabing ni walang nagtangkang matawag na hari ng pelikula kapalit niya. Aywan kung kailan magkakaroong muli ng bagong hari ng pelikula, sa palagay namin ay hindi na. Mukhang kahit na sino, natatakot na maikumpara sa mga nagawa ni FPJ sa industriyang ito.

Hindi lamang siya isang magaling na actor na minahal ng mga tao. Isa rin siyang mahusay na director ng pelikula. Isa rin siya sa sinasabing pinakamabuting producer ng pelikula dahil sa mga shooting niya, pantay-pantay ang lahat. Kung ano ang kinakain ng mga sikat na artista at kinakain niya mismo, iyon din ang pagkain ng kaliit-liitang crew. Hindi kagaya ng style ngayon, iyong artista ipinabibili ng pagkaing iba, samantalang iyong iba, ang ipinakakain ay baboy, “baboy ang pagkakaluto”. Iyong artista pinaiinom ng bottled water, iyong mga crew galing sa gripo ang ipinaiinom na tubig, suwerte pa sila kung may yelo. May nakaka­tawa pa nga eh, kung gusto mo raw uminom, dapat may dala kang sariling baso mo.

Ibang klase talaga si FPJ eh. Kaya nga ngayon, ni magtangkang masabing hari ng pelikula walang makagawa. Kaya ba nila ang mga ginawa ni FPJ?

‘Yun nga lang kasal na sila pagpapakalat ng sex scandal nina Chito at Neri wala pa ring salarin

Nagpakasal na pala ang soloist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at ang kanyang girlfriend na si Neri Naig. Una nilang kasal ay sa sibil, na sinundan ng isang garden wedding, meaning “born again rites” noong sumunod na araw. Karamihan kasi niyang mga “Born Again” na pastor ay wala namang faculty talaga na magkasal nang legal, kaya kailangan sibil muna tapos confirmation lang ang ginagawa nila sa pangalan ng kanilang fellowship.

At least sa ginawa nilang iyan, anuman ang sabihin tungkol sa kumalat nilang sex video noon ay tapos na. Iskandalo pa rin iyong matatawag, pero at least nga masasabing naging mag-asawa naman sila. Napatunayan nila na iyon ay isang private video lang nila na hindi naman nila inaasahang kakalat nang ganoon.

Tingnan nga ninyo ang video na iyon, hiningi nila pati ang tulong ng NBI, pero may nahuli na ba sa pagkakalat ng nasabing video? Marami na ang kumalat na mga ganyang sex video, pero walang nahuhuli. Kahit daw burahin mo na sa computer o cell phone, kung marunong ang gagawa ay nakokopya pa nila kahit na wala na sa memory ng gadget. Ang moral lesson diyan, kung magpapagawa kayo ng gadget kailangan bantayan ninyo. Pero mas mabuti huwag na kayong gagawa ng mga ganyang sex video, dahil ano man ang sabihin ninyo, lalabas at lalabas din iyan.

vuukle comment

BORN AGAIN

CHITO MIRANDA

FERNANDO POE

FPJ

ISA

KAYA

KUNG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with