^

Pang Movies

Isabel Oli at Denise Laurel, nagmahal sa iisang lalaki

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatalakayin ng hit legal drama anthology na Ipaglaban Mo ang kasong concubinage o pangangalunya ngayong Sabado (Dis. 13) sa pamamagitan ng kwento ni Pablo (Joem Bascon), isang lalaki na iniwan ang kanyang asawa upang makipagbalikan sa dati niyang live-in partner.

Tatlong taon ang pinagsamahan nina Pablo at Rosa (Isabel Oli) bago niya nakilala ang napangasawang si Nila (Denise Laurel). Kahit pa iresponsable at maraming bisyo si Pablo ay nanatiling matiisin at mabuting karelasyon si Rosa sa kanya. Ganon pa man ay hindi kontento si Pablo sa pagsasama nila hanggang sa makilala niya si Nila, isang maganda at matalinong babae na nagmula sa may kayang pamilya.

Hindi kagaya ng ibang babae ay hindi madaling mabola si Nila kaya naman na-challenge si Pablo na ligawan siya. Nang sagutin siya nito ay agad niyang inaya ng kasal si Nila sa pag-aakalang magiging komportable ang buhay niya kapag nakatuluyan ito. Si Rosa naman ay tuluyan na niyang hiniwalayan.

Hindi naging maganda ang pagsasama nina Pablo at Nila. Makalipas lamang ang isang buwan ay nagdesisyon si Pablo na balikan si Rosa. Tinanggap at napatawad naman siya nito lalo’t hindi naman niya alam na ikinasal na ito sa iba. Nagulat na lamang siya ng magpakita si Nila at dinemanda pa sila ng concubinage. Paano dinesisyunan ng korte ang kaso?

Huwag palampasin ang Ako ang Nauna episode ng Ipaglaban Mo, sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

vuukle comment

DENISE LAUREL

GANON

HUWAG

IPAGLABAN MO

ISABEL OLI

JERRY LOPEZ SINENENG

JOEM BASCON

NILA

PABLO

SI ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with