^

Pang Movies

Robin at Mariel parang nawalan ng anak sa pagtatapos ng Talentadong Pinoy

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Mami-miss ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang Talentadong Pinoy ng TV5 dahil sa Sabado na mapapanood ang grand finals ng show.

Parang baby na raw ng mag-asawa ang Ta­lentadong Pinoy dahil dito umikot ang oras at buhay nila. Mula pagkagising nila ng umaga hanggang sa mahabang road trip pauwi ng bahay ay bukambibig nila ang mga kasali.

At hindi lang pala sina Robin, Mariel, at Tuesday Vargas ang nagsi-share ng ta­lent fee nila dahil maging ang mga naging judge at talent scout ay nagbibigay din ng kanilang talent fee sa ibang mga talunan lalo sa mga contestant na deserving din sanang manalo pero natatalo.

Pero ang mas mahalaga kina Robin ay ang napasaya nila hindi lang ng mga mahuhusay nilang contestants kundi pati na ang viewers.

Ngayong Sabado ng gabi malalaman na kung sino ang deserving na manalo sa Ultimate Talentadong Pinoy 2014 mula sa seven Hall of Famers sa grand finals -  Tazmania mula Cavite, Lariza Jane Cabaltierra ng Quezon City, Mistiq, Neil Rey Garcia o Neil Never Exit in Life ng Davao, BMG Wheelchair Dancesport, Bonfire, Amaya, at Escapade Blazing Color Guards. Nagsilbi namang talent scout sa grand finals sina Pilita Corrales, Cherrie Gil, Jaya, Jasmine Curtis Smith, Richard Gutierrez, at Charice Pempengco na nahirapan sa matitindi at magagaling na performances ng Hall of Famers.

Bale ba na-tape na ang grand finals ng programa last Wednesday ng gabi na ginanap sa Theater Arts ng Resorts World Manila na ieere ngayong Sabado (Dec. 13).

Walang pasaway sa audience na pinakiusapan na huwag i-post o magbanggit sa Instagram, Twitter, or Facebook accounts nila kung sino ang nanalo.

Tama ang sabi ni Pilita na pang world class at nagawang i-level up ang Ta­lentadong Pinoy sa pagho-host ni Robin. Ngayon ay humihirit ang action star na mabigyan pa uli siya ng chance na mag-host dahil nag-enjoy siya nang husto sa show.

Malalaman sa Sabado kung sino sa mga Hall of Famers ang nagpasayaw hindi lang kay Robin, kundi pati sa audience ng Resorts World sa grand finals ng Talentadong Pinoy.

 

vuukle comment

CHARICE PEMPENGCO

CHERRIE GIL

ESCAPADE BLAZING COLOR GUARDS

HALL OF FAMERS

JASMINE CURTIS SMITH

LARIZA JANE CABALTIERRA

MARIEL RODRIGUEZ

SABADO

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with