^

Pang Movies

Nakakadiri aktres ginagamit ang boytoy sa panghaharbat ng datung sa mga produ

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Extortionist ang tawag sa aktres na ginawa nang bisyo ang panghaharbat ng datung sa mga produ ng mga pelikula niya.

Tinalbugan ako ng aktres sa panghaharbat dahil pati ang kanyang boytoy, ipinanghihingi niya ng datung. Kadiri siya ‘di ba?

Numero uno sa pagiging abusada ang aktres na kung kailan nagkaedad, saka naging pariwara ang buhay. At kapag hindi nakaharbat ng datung, siya pa ang malakas ang loob na siraan ang mga tao na inaabala at pineperwisyo niya.

Sumusumpa ang mga biktimang produ na hin-ding-hindi na nila kukunin ang serbisyo ng pasaway na aktres na lalong lumiliit ang mundo dahil sa kanyang mga attitude problem!

Estranged husband ni Agot na si Manu kumpirmado ang relasyon kay Angel Jacob

Confirmed na girlfriend  ni Manu Sandejas ang character actress at commercial model na si Angel Jacob dahil magkasama sila na dumalo sa isang kasal na ginanap sa ibang bansa.

The who si Manu? Siya ang estranged husband ni Agot Isidro na headline ng mga balita dahil biktima siya ng Dugo-Dugo Gang.

Ginamit ko ang estranged husband imbes na ex-husband dahil hindi ako sure kung annulled na ang kasal nina Manu at Agot. Ginagamit pa rin ni Agot ang family name ni Manu, base sa police report nang ireklamo niya sa Quezon City Police District ang pagnanakaw sa kanya ng Dugo-Dugo Gang.

Pareho nang mga television personality ang estranged couple dahil starring si Manu sa mor-ning show ng TV5 at regular na napapanood si Agot sa mga teleserye.

Jennylyn talagang hindi nga mai-in love kay Derek

Malabo talaga na magkagustuhan sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, kung totoo ang balita na ang lead actress ng English Only, Please ang constant date ni Congressman Ronald Singson na ex-boyfriend ni Lovi Poe.

Pinipilit ng ibang mga reporter na lagyan ng romantic angle ang pagtatambal nina Derek at Jennylyn sa English Only, Please pero nabigo sila.

Si Jennylyn ang nagkuwento noon sa presscon ng pelikula nila ni Derek na open siya sa pakikipag-date pero hindi siya nagbanggit ng name ng mhin.

Para maging malihim si Jennylyn, obvious na pinoprotektahan  niya ang mystery guy na maaaring si Papa Ronald nga.

Malalaman natin sa mga susunod na araw ang buong katotohanan dahil walang puwedeng ilihim sa showbiz.

Mga nanood ng grand finals ng Talentadong Pinoy dusa ang inabot sa traffic!

Naloka ang mga nagpunta kahapon sa Resorts World Manila para manood ng grand finals ng Talentadong Pinoy ng TV5.

Naloka sila dahil sa dusa na inabot nila habang papunta sa venue ng show.

Hindi raw gumagalaw ang trapik sa hindi malaman na dahilan kaya kawawa ang mga pasahero na pupunta sa domestic at international airport dahil malaki ang chance na naiwanan sila ng mga eroplano na sasakyan nila.

Mag-expect tayo na lalong titindi ang traffic situation dahil sa nalalapit na Pasko. Ang pumunta nang maaga sa airport ang payo ko sa mga bibiyahe sa ibang lugar at bansa. Kung 5:00 p.m. ang inyong flight, umaga pa lang, pumunta na kayo sa airport para sure na makakarating kayo sa inyong mga paroroonan.

Ganyan ang ginawa ko nang pumunta ako sa Paris two weeks ago. Alas-singko ng hapon ang flight ko pero 2: p.m. pa lang, nasa loob na ako ng departure area dahil hindi ko pinangarap na maiwanan ng eroplano. Ang ending? Delayed ng dalawang oras ang Paris flight ko kaya naburo ako nang husto sa airport.

Coco tinulungan ni Kris sa lawyer ni James

Si Kris Aquino pala ang nag-suggest kay Coco Martin na kunin ang serbisyo ni Atty. Lorna Kapunan nang magkaroon ng problema ang aktor sa GABRIELA dahil sa fashion show ng Bench.

Hiningi ni Kris kay James Yap ang contact number ni Atty. Kapunan dahil ito ang lawyer ni James sa annulment case nila.

vuukle comment

AGOT

ANGEL JACOB

DAHIL

DEREK

DUGO-DUGO GANG

ENGLISH ONLY

JENNYLYN

MANU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with