^

Pang Movies

Kasambahay ni Agot na nabiktima ng budul-bubol gang, iimbestigahan?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mahigit sa tatlong milyong piso ang nawala kay Agot Isidro noong Sabado dahil biktima ng Dugo-Dugo Gang ang kanyang kasambahay na si Maenelyn Ompas na nagpaloko sa babae na tumawag sa telepono at nagpanggap na si Agot.

Pauli-ulit ang mga kuwento tungkol sa mga Dugo-Dugo Gang na madalas na napapanood sa mga news program kaya nakapagtataka na marami pa rin ang mga kasambahay na nabibiktima ng masasamang loob.

Hindi natin masisisi si Agot kung naim­byerna siya sa kasambahay na hindi nagkaroon ng pre­sen­ce of mind na tawagan siya sa cell phone para matiyak na naaksidente nga ang amo niya, tulad ng claim ng babae na hindi pa nakikilala sa mga oras na’to.

Bukod sa biktima si Agot Isidro ng Dugo-Dugo Gang, napansin ng mga tsismosa na ginagamit pa rin niya ang family name ng kanyang asawa, kahit hiwalay na sila.

Maria Margarita Amada Isidro Sandejas ang na­ka­la­gay sa police blotter ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District.

Personal na nagpunta si Agot sa QCPD para i-report ang naganap na krimen.

Matagal nang hiwalay si Agot sa kanyang mister na si Manu  Sandejas na television perso­nality na rin dahil may regular program sa TV5.

Hindi pa off the hook ang kasambahay ni Agot dahil iimbestigahan pa rin siya ng mga pulis.

Si Ompas ang nakakita nang personal sa babae na tumangay sa mga datung at pera ni Agot nang magtagpo sila sa isang depot sa Balintawak, Quezon City.

Naalaala ko tuloy ang nangyari noon kay Congressman Alfred Vargas na ninakawan ng kasambahay niya na isang matandang babae.

Blessing in disguise na naabutan ni Alfred ang babae habang pasakay ng taxi at bitbit ang kanyang vault na naglalaman ng valuable items.

Hanggang ngayon, nakakulong pa rin ang ka­sam­bahay na napatunayan na may kaugnayan sa sindikato ng Akyat-Bahay Gang. Lumipat na ng bahay si Alfred dahil nag-alaala ito para sa kaligtasan ng kanyang asawa at mga anak.

Hindi ko sinasabi na may kinalaman ang maid of honor ni Agot sa nangyari pero walang mawawala kung iimbestigahan siya na mabuti para na rin sa kanyang kapakanan. Ang maid of honor ang tanging makakapaglinis sa kanyang pangalan.

LJ at Jimmy suwerte sa inampon

Keona Skye ang name ng bagong silang na anak nina LJ Reyes at Jimmy Alapag.

Isinilang ni LJ si Keona Skye noong December 5. Bale dalawa na ang anak ng mag-asawa dahil may adopted sila na batang lalake na dalawang taon na ngayon.

Itinuturing nina LJ at Jimmy na masuwerte ang kanilang adopted son dahil nalaman ng aktres ang pagbubuntis, matapos ampunin ang bata.

Maganda ang kuwento ng adoption nina LJ at Jimmy sa kanilang panganay. Hindi lang ako sure kung papayag sila na i-share sa publiko ang kuwento na heartwarming at nagpapakita ng kanilang likas na kabutihan.

Kasama ng mag-asawa ang panganay nila nang maglaro ang basketball team ni Jimmy, ang Gilas Pilipinas sa Sevilla, Spain. Sa pagkakaalam ko, nag-celebrate ng second birthday sa Spain ang lucky bagets.

vuukle comment

AGOT

AGOT ISIDRO

AKYAT-BAHAY GANG

CONGRESSMAN ALFRED VARGAS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DUGO-DUGO GANG

KEONA SKYE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with