^

Pang Movies

PM mas tumagal pa kesa sa maraming artista!

Ed de Leon - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang bilis ng panahon. Sa totoo lang, hindi namin naramdaman na 11 years na pala ang PM (Pang-Masa). Parang kahapon lang ang naging simula nito. Mukhang ganoon talaga eh, basta masaya ang buhay, lumilipas ang panahon nang halos hindi nararamdaman, at ganyan kasi ang mga tao sa PM, masaya.

Pero kung iisipin mo, aba matagal na iyong labing-isang taon. Marami sa mga artista ngayon ang hindi pa umaabot ng labing-isang taon ang career. May mga artista rin namang hindi umabot ng labing-isang taon ang career at naglaho na. Sa loob ng labing-isang taon, marami na kaming nakitang mga artistang dumating at nangawala’t sukat, pero ang PM, nandito pa rin.

Kung iisipin mo, matagal na iyong eleven years. Si AiAi delas Alas nga nag-asawa, twenty-nine days lang ang itinagal eh. Si Je­nnylyn Mercado, nakailangan ang boyfriend at break-up na sa nakaraang eleven years? Ilan na rin ang naging love affair ni Dennis Trillo sa loob ng nakaraang labing-isang taon?

Sa loob ng nakaraang labing-isang taon, nasaksihan namin sa industriya ang pag-akyat ng popularidad ng mga teleserye at nakalulungkot mang isipin, ang patuloy na pagbaba ng popularidad ng mga pelikulang Pilipino. Noong araw kasi, ang telebisyon ang siyang nanghihiram ng mga sikat na artista sa pelikula. Ngayon ang pelikula na ang nakikiusap na makuha ang mga sikat na artista sa telebisyon.

Ang mga artistang Pilipino ay patuloy na kinukumpitensiya ng mga artistang dayuhan sa loob ng nakaraang labing-isang taon. Kung noong simula ay mga Mexican telenovelas ang kalaban ng mga serye natin, nang malaunan ang nakalaban na natin ay ang mga seryeng Tsino, at ngayon ang mga serye namang Koreano. Iyong mga matinee idol na dayuhan kagaya nina Lee Min Ho at Mario Maurer ang siyang nakakalaban ng mga local matinee idols na kagaya nina Daniel Padilla at John Lloyd Cruz.

Maging sa musika, nakalulungkot isipin na nangingibabaw na naman ang mga dayuhan. Siguro dahil nga sa katotohanan na walang bagong singer na Pilipinong nakaangat maliban kay Sarah Geronimo, nabaling din ang atensiyon lalo na ng mga kabataan sa mga foreign groups gaya ng One Direction, at ngayon nga iyang EXO na isang Korean group naman. Ganoon din naman ang iba pang mga Korean group na aywan kung bakit nagugustuhan nila ang musika kahit na hindi nila naiintindihan ang sinasabi.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

DENNIS TRILLO

ISANG

JOHN LLOYD CRUZ

LABING

LEE MIN HO

MARIO MAURER

ONE DIRECTION

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with