^

Pang Movies

John hindi pa makakawala sa Kapamilya

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipinagdiinan ng talent manager na si Arnold Vegafria na hindi totoong lilipat na sa GMA-7 ang alaga niyang si John Prats.

Noon pa napababalitang mag-o-over the bakod sa Kapuso network ang boyfriend ni Isabel Oli lalo na at ang ‘kapatid’ niya sa ALV Management na si Iya Villania ay bumalik na sa Siyete.

Lumabas pa nga ang balitang nagpaalam na sa ABS-CBN si John at hindi ito pinigilan ng executives ng Kapamilya network.

Nang makausap namin noong Biyernes ng gabi si Arnold, muli niyang nilinaw na hanggang sa Marso pa ang kontrata ni John sa Dos at sa katunayan, pinag-usapan na nila ng top executives ng nasabing TV network ang tungkol sa renewal of contract ni John.

“Sa ngayon, wala pang renewal ng contract dahil hanggang March pa ang kontrata namin sa ABS-CBN, pero walang lipatan dahil nag-usap na kami ng management (ABS-CBN) tungkol sa renewal ng kontrata,” pahayag pa ni Arnold.

Hindi raw porke bumalik na sa Siyete si Iya ay nangangahulugang mag­su­sunuran na rin ang iba pa niyang mga alaga na nasa ba­ku­ran ng ABS-CBN.

“Hindi ganoon!” sey pa ni Arnold na ipinahayag din na pinapayuhan niya si John na sa 2016 na lang magpakasal sa fiancée na si Isabel Oli.

Annabelle sa Amerika pa bumibili ng Christmas decors

Kagabi napanood ang second season finale ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, ang reality TV series ng pamilya Gutierrez sa E! Asia.

Bale Christmas episode na rin ‘yun dahil may pa-sample na ang pamilya Gutierrez sa episode nila kung paano ba sila nagse-celebrate ng Christmas.

Ipinakita rin ni Annabelle Rama sa episode kagabu ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang Christmas displays niya at aakalain mong nasa isang mall ka.

Kuwento ni Bisaya, kapag ganitong Christmas season, inaayusan talaga niya ang bahay nila at umo-order siya sa mga kakilala niya sa Amerika ng Christmas displays para maging maganda ang bakuran nila.

Sabi ni Bisaya, mas masaya ang Christmas nila ngayong taon na ito dahil nadagdagan ang kanyang mga apo.

Bukod nga kina Lorin, Venice, David (anak ni Rocky), at Zion, kasama na rin nila ngayong taon na ito si Baby Aria na anak nina Elvis at Alexa Uichico.

“Mas maraming apo, mas masaya,” sey ni Bisaya.

OPM mali raw ang ginawang desisyon sa pagkansela ng concert

Kinansela ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) ang event sana nila kahapon na Palakasin Ang OPM dahil sa bagyong Ruby.

Sabi ng iba, mali ang desisyon na kanselahin ‘yun dahil maaraw kahapon sa Metro Manila.

Sabi naman ng mga taga-OPM, ayaw nilang makipagsapalaran dahil akala nga nila ay raragasa ang bagyong Ruby sa Metro Manila simula kahapon.

Pero sabi pa ng mga taga-OPM, ma­laki ang pagpapasalamat nila na hindi nga niragasa ni bagyong Ruby ang Metro Manila at panay rin ang dasal nila na tuluyan nang lumayas ang nasabing bagyo at hindi na maminsala pa sa buong bansa.

vuukle comment

ALEXA UICHICO

AMERIKA

ANNABELLE RAMA

BISAYA

ISABEL OLI

IT TAKES GUTZ

METRO MANILA

NILA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with