^

Pang Movies

Magandang young actress na parang ambangu-bango, nakakadiri ang tutuling nakatengga sa tenga

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang na-turn off ang isang TV reporter nang may makita siyang hindi kanais-nais sa isang magandang young actress.

Hindi makapaniwala ang naturang reporter na ang magandang young actress na ito ay hindi man lang conscious sa kanyang personal hygiene.

Ang sinasabi ng TV reporter na nakita niya sa magandang young actress na may dumi ito sa tenga. Dumi na mukhang matagal nang hindi nalilinis ang kanyang tenga.

“Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Noong hawiin nga nito ang buhok niya, may nakita ako sa loob ng tenga niya. Akala ko kung ano iyon, tutuli pala!

“Naku nandiri talaga ako! Pinatingin ko rin iyon sa kasama ko. Baka naman malabo lang ang mga mata ko. Pero kinumpirma ng kasama ko. Tutuli nga raw at ang laki!” natatawang kuwento pa niya.

Na-turn off tuloy siya dahil bet pa naman niya ang magandang young actress. Ang kinis-kinis nito at parang ang linis at ang bangu-bango nito parati.

Pero noong nakita niya ang pagkalaki-laking tutuli sa tenga nito, parang nawala ang paghanga niya rito.

“Kaya nga ang tanong ko, gaano ba siya ka-busy at ultimo tenga niya ay hindi niya malinis?

“Hindi ba kinalakhan na natin ‘yan noong bata pa tayo to clean our ears parati? Mahirap bang gawin iyon pagkatapos maligo? Gano’n na ba siya ka-busy para hindi niya malinis ang sarili niyang tenga? Kailangan ba may maglinis nito para sa kanya? Kakalokah!” patuloy na litanya ng TV reporter.

Dennis hindi makapaniwalang may fans sa Singapore

Nagpapasalamat si Dennis Trillo sa mga kababayan natin sa Singapore dahil successful ang ginanap na Kapusong Pinoy Sa Singapore last November 30.

Ginanap sa Kallang Theater, 1 Stadium Walk in Singapore ang naturang concert at kasama niya sina Jonalyn Viray at Betong Sumaya.

Tuwang-tuwa si Dennis dahil hindi niya inaasahan ang malaking crowd ng mga Pinoy na nanonood sa kanila.

“Parang early Christmas treat na namin sa kanila ito. Alam naming lahat na sabik silang mapanood kami live at hindi naman namin ipagkakait iyon sa kanilang lahat na sumusuporta sa amin at sa GMA Pinoy TV,” ngiti pa ni Dennis.

Kasalukuyang umeere doon ang teleserye ni Dennis na Hiram na Alaala pero naging big hit nga sa Singpore ang My Husband’s Lover kung saan na-nominate si Dennis para sa Asian Television Awards as best actor in a leading role.

Ang mga kalaban ni Dennis ay mga mahuhusay na Asian actors na sina Pierre Png (Zero Calling, Singapore); He Shengming (Love of OB & GYNS, China); Ban Tieh-Hsiang (My Super Dad, Taiwan); Zhai Tianlin (The Master of the House, China), at Pierre Png (The Journey: A Voyage, Singapore).

Sikat na fashion designer na si Vera Wang baon sa utang

Tinawag na isang “squatter” ang sikat na fashion designer na si Vera Wang ng kanyang landlord na Ah Men, Inc.

Nagsampa ng demanda ang landlord ni Wang dahil sa hindi pagbayad nito ng renta ng kanyang mamahaling bridal gowns boutique sa West Hollywood in California.

Ayon pa sa balita ng TMZ, ang landlord ni Wang, na nakilala dahil sa kanyang mga pabolosang bridal gowns at red carpet gowns na sinusuot ng mga big Hollywood stars, ay sinisingil ng higit na $250,000 in unpaid rent.

Hindi raw maabutan ng mga tauhan ng Ah Men, Inc. si Wang sa kanyang boutique hanggang sa napaso na ang lease agreement nito. Tapos ay hindi na raw nagbabayad si Wang ng kanyang renta.

Ngayon ay hinahabol naman ng Ah Men, Inc. ang boutique ni Wang sa may Melrose Avenue at doon nila ipapadala ang mga unpaid rent nito at iba pang bayarin na nakaperwisyo sa pagiging squatter nito.

vuukle comment

A VOYAGE

AH MEN

ASIAN TELEVISION AWARDS

NITO

NIYA

PIERRE PNG

VERA WANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with