^

Pang Movies

Ryzza Mae ipinipilit na crush siya ni Alonzo

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakakuwentuhan nga namin ang ina ni Ryzza Mae Dizon na si Rizza at excited na nga ito sa magi­ging bagong kapatid ni Ryzza.

Lalaki ang pinagbubuntis nito ngayon at six months na ito.

Si Ryzza nga raw ang gustong pumili ng magiging pangalan ng kanyang bagong kapatid.

Nalaman din namin kay Rizza na nasanay pala si Ryzza na wala itong nakikitang Christmas tree tuwing Pasko sa kanilang bahay. Kaya kahit na sa bagong bahay nila, wala nga raw silang mga Christmas decorations.

Rason nga ni Rizza ay dahil sa relihiyon nila kaya hindi sila masyadong nagse-celebrate ng Pasko, pero ang New Year daw ay sine-celebrate nila.

“Hindi naman nila hinahanap kahit na may nakikita sila sa mga kapitbahay namin,” sey pa nito.

Dapat ay magbabakasyon pala sila sa mga kamag-anak sa Quezon ngayong Pasko, pero dahil may Metro Manila Film Festival (MMFF) entry si Ryzza na My Big Bossing kaya sa bahay lang daw sila magpa-Pasko.

Natutuwa ngang kinukuwento ni Rizza ang pagiging mapaglaro ng kanyang anak, lalo na sa bagong kaibigan nito na si Alonzo Muhlach.

Kapag nagkikita raw ang dalawa, panay tanong ni Ryzza kay Alonzo kung crush ba siya nito? Ngingiti lang daw si Alonzo at lalayo kay Ryzza.

“Sasabihin ni Ryzza na masungit lang daw ngayong araw si Alonzo. Pero mamaya raw ay didikit na ito sa kanya at crush naman daw siya nito,” natatawang pagtatapos pa ni Rizza Dizon.

50 Cent idinemanda sa pagnanakaw ng design ng headphones

Malaki ang problema ng rapper na si 50 Cent dahil hindi niya magalaw ang sarili niyang pera dahil sa utos ng korte.

May kaso si 50 Cent sa isang kumpanya called Sleek Audio kung saan kinopya niya diumano ang specially-designed headphones nila at inangkin ng rapper na siya ang may-ari ng mga designs na iyon.

Noong sinampahan si 50 Cent ng kaso, pinanigan ng korte ang Sleek Audio at inutusan ang rapper na bayaran ang kumpanya ng $17.2 million dahil sa ginawa nitong pagnakaw ng design nila.

Pinagsabihan na si 50 Cent na kung hindi niya babayaran ang Sleek Audio, mapi-freeze ang kanyang bank accounts at lahat ng kikitain niya ay diretsong mapupunta sa nagdemanda sa kanya.

Pero na-freeze man ang personal account ni 50 Cent, hindi naman ang business account niya. Hindi niya puwedeng galawin ang perang iyon dahil maaapektuhan ang kanyang business bilang isang record producer.

Ayon sa Forbes magazine, 50 Cent is worth $140 million kaya naman kaya niyang mabayaran ang Sleek Audio.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY BIG BOSSING

NEW YEAR

PASKO

RIZZA

RYZZA

SLEEK AUDIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with