^

Pang Movies

Ryzza Mae ginawang dahilan ang pag-walk out kay Vic para makalamon

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Super-alalay si Ryzza Mae Dizon kay Alonzo Muhlach na co-host niya kahapon sa The Ryzza Mae Show. Mas bata nga naman sa kanya ang anak ni Niño Muhlach kaya kailangan niyang alalayan at baka sumaliwa ng sasabihin sa show!

Komo nga Inglisero si Alonzo, sinabayan naman siya ni Ryzza. Pero sa Eat Bulaga, hayun at sumabay naman ang Aling Maliit sa Inglesan kay Bossing Vic, huh!

‘Yun nga lang, nagtampo kunwari si Ryzza nang sabihan siya ni Vic na lumalaki ang ilong niya. Nag-walk out siya sa Laban o Bawi portion pero ginawa niyang dahilan ‘yon para lumafang, huh! Ha! Ha! Ha!

Of course, ‘yung presence ni Alonzo sa talk show ni Ryzza ay ma­laking tulong upang mailabas ng bata ang kabibuhan niya lalo na’t sila ni Ryzza ang tandem sa Prinsesa episode ng My Big Bossing, huh!

Ano naman kaya ang gagawin ni Bimby Yap na kasama naman ni Vice Ganda sa festival entry niya? Tapatan si Ryzza?

Mga singer na walang career nakikipag-agawan sa mga baguhan sa The Voice...

Nagsisilbing daan din ang The Voice of the Philippines sa mga dating singers na wala nang masyadong sigla sa kanilang career, huh! Siyempre, experienced na sa pagkanta kaya naman napabibilib ang judges.

Eh, wala namang limitasyon sa bawat contes­tant. Basta napabalikwas ang judge at humarap sa contestant, it doesn’t matter kung bago o luma kang singer, huh!

Pero siyempre, kawawa rin ‘yung mga bagitong singer na deserving din namang ma-coach ng judges. Nadedehado sila kum­para sa beteranong singers lalo na kapag kilala rin ng judges ang mga ito once na makita na nila ang mukha.

Mas masarap pa rin malaman na bagong singer ang madidiskubre para mabigyan naman ng oportunidad sa mundo ng musika, huh!

Naloka sa isang episode Mother Lily hindi sigurado sa magiging hatol ng MTRCB sa ulam ng Shake…

Nawindang si Mother Lily Monteverde sa napanood na ending ng Ulam episode ng Shake, Rattle & Roll XV. Nagalingan siya sa exe­cution ng director na si Jerrold Tarog pati na ang husay ng lead stars na sina Dennis Trillo at Carla Abellana.

Hindi namin sasabihin kung ano ang ending ng episode. Pero nandoon pa rin siyempre ang concern ni Mother na gawing pang-general patronage ang SRR XV lalo na’t na-miss ito ng mga tao last year.

Alam na rin kasi ng Regal producer ang limitas­yon ng Movie and Television Review and Classi­fication Board (MTRCB) sa mga pelikula lalo na kung gusto niyang maging pang-GP (General Patronage) ito. Chill na lang si Madera dahil hindi pa naman naka-schedule for preview ng MTRCB ang pelikula.

vuukle comment

ALING MALIIT

ALONZO

ALONZO MUHLACH

BIMBY YAP

BOSSING VIC

CARLA ABELLANA

NAMAN

PERO

RYZZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with