^

Pang Movies

Toni uunahin ang gagawin nila ni Coco kesa sa pag-aasawa

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ini-reveal ni Toni Gonzaga sa The Buzz last Sunday na pinag-usapan na nila ng boyfriend na si Paul Soriano ang tungkol sa kanilang future toge­ther nang dumating ito galing sa Macau na nanood ng laban ni Manny Pacquiao.

The same day ng laban ni Pacman ay ginanap naman nu’ng gabi ang 28th Star Awards for Television kung saan ay nanalo si Toni ng tatlong awards (Best Female Showbiz Oriented Talk Show Host for The Buzz, Best Female TV Host for ASAP 19, and Best Reality Show Host with Bianca Gonza­lez, John Prats, Robi Domingo, for Pinoy Big ­Brother: All In).

Kaya that night ay nag-text siya sa boyfriend para ibalita na nanalo nga siya ng tatlong awards at ang sagot daw sa kanya ni Paul ay “there’s so many reasons to cele­brate.”

“So, nun’g umuwi siya, nag-celebrate rin kami. Kumain kami,” kuwento ni Toni.

Tinanong siya ni Boy Abunda kung ano ang napag-usapan nila at sagot ni Toni, “the future.”

Tinanong siya ulit kung ibig bang sabihin nito ay napag-usapan din nila ang marriage.

“Papunta doon. Pero wala pa,” sabay pakita ng kamay niya na ibig sabihin ay wala pang singsing.

When asked kung mga 2015 kaya ito magaganap, say ng actress/TV host at hindi pa raw niya masabi.

“Pero sabi ko sa kanya, dahil nga ang bandwagon this year ay talagang sabay-sabay at napakarami (na ikakasal), huwag tayong sasabay, wala nang venue. Nagkaubusan ng venue,” she said na ikinatawa nang malakas ni Kuya Boy.

Pero ipinaalala ni Kris na gagawa pa si Toni ng pelikula with Coco Martin na mismong ang TV host pa ang nagbigay ng story sa Star Cinema.

Sobrang nakyutan daw si Coco sa story at malamang nga ay gawin na nila ito kaya bago ikasal daw si Toni ay gagawin muna niya ang movie with Coco.

Eddie madaling ma-bore kapag walang ginagawa

Ipinagpapasalamat ni The Great Eddie Garcia na lagi siyang binibigyan ng proyekto ng Dreamscape Entertainment ni Deo T. Endrinal.

Halos hindi naman siya talaga nababakante at sa tuwing matatapos ang isang project ay may kapalit agad.

Ngayon ay may bagong project na naman si Tito Eddie sa Dreamscape, ang Give Love on Christmas na Christmas special ng nasabing produksyon at opening salvo ang kanyang Gift Giver episode na nagsimula na nung Lunes, Dec. 1 sa dating timeslot ng Be Careful with My Heart.

Nang matanong nga siya kung bakit sige pa rin siya sa pagtatrabaho, simpleng sagot niya, “Mainipin kasi ako, eh”

Madali raw siyang ma-bore kapag walang ginagawa.

“Gusto ko, trabaho nang trabaho. Masuwerte naman ako at binibigyan ako ni Sir Deo ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Dreamscape, thank you very much, Sir Deo. I’m looking for the next one,” dagdag pa ng veteran actor.

When asked kung naranasan na ba niya ‘yung eksena niya sa Gift Giver episode na naghihintay ng uuwing anak at madi-disappoint na walang dumating, aniya, “hindi, kasi ako ang nagpupunta sa kanila.”

Tawanan. May point nga naman kasi si Tito Eddie. Kaysa ma-disappoint ka sa paghihintay, ikaw na lang ang pumunta.

Seriously, dapat hangaan ang mga katulad ni Tito Eddie na sobrang dedicated at seryoso sa kanyang craft kahit kung tutuusin ay pwede na siyang magpahinga. Hindi siya tumitigil sa pagbibigay sa atin ng napakagagandang acting performance at isa siyang perfect example ng isang tunay na alagad ng industriya.

vuukle comment

ALL IN

BE CAREFUL

BEST FEMALE

GIFT GIVER

PERO

SIR DEO

SIYA

TITO EDDIE

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with