^

Pang Movies

Jose hindi pa rin makausap ang anak na si Nicco, ipinagdarasal na lang

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kahit matagal nang hindi nakakausap ni Jose Manalo ang kanyang anak na si Nicco Manalo, hangad pa rin niya na maging maayos ang career nito, lalo na’t nakilala na ito bilang mahusay na aktor sa mga ginagawa nitong indie films.

Nakarating kay Jose na humiwalay na raw itong si Nicco sa kanyang manager na siyang nagbigay ng mga magagandang indie films dito.

Pero wala naman daw siyang masasabi tungkol dito dahil matagal na nga niyang hindi nakakausap ang anak.

“Yung huling pag-uusap namin, sinabi ko naman sa kanya na matuto siyang lumingon sa pinanggalingan niya. ‘Yung mga taong tumulong sa kanya, tanawin niya ang malaking utang na loob sa mga ito.

“Ako kasi, gano’n ako. Lahat ng mga naging kaibigan ko noong hindi pa ako isang Jose Manalo, nandiyan pa rin sila. Kaibigan ko pa rin sila. Nasa puso ko pa rin ang pagiging Tondo boy,” pagpapaliwanag niya.

Mahirap na raw magbigay ng advice si Jose sa kanyang anak tungkol sa mga problema nito dahil baka masamain pa.

“Pinapabayaan ko na lang siya. Tutal may edad na siya at alam na niya ang tama at mali. Ipinagdarasal ko na lang na sana ay nasa maayos siyang kalagayan at maging maayos ang trabaho niya.”

Sobrang busy nga si Jose hanggang sa pagtatapos ng taong 2014. Bukod kasi sa Eat Bulaga at Celebrity Bluff, may gagawin siyang series of shows sa Canada kasama si Wally Bayola kaya sa ibang bansa nga raw siya mag-celebrate ng Pasko.

Kasama rin si Jose sa 2014 Metro Manila Film Festival (2014) official entry na My Big Bossing kunsaan bida sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Maricris walang tampo kahit iniwan silang dalawa ni Aicelle sa ere ni Jonalyn

Naging honest lang ang Kapuso singer na si Maricris Garcia, na ang naging dahilan kung bakit nabuwag ang grupo nilang La Diva ay dahil sa desisyon ni Jonalyn Viray na mag-solo.

Nagulat na lang daw sila ni Aicelle Santos na wala na pala ang La Diva.

“Nakakapanghinayang lang kasi ang ganda ng samahan namin. Kinukuha kasi kami as La Diva sa mga shows here and abroad.

“Noong sinabi sa amin ni Aicelle na wala na ang group namin because nag-decide si Jonalyn to go solo na, siyempre, nagulat kami,” sey pa ni Maricris.

Ayon pa kay Maricris, may mga tao raw ngayon sa likod ni Jonalyn na nagdedesisyon para sa kanya.

“Nakalulungkot lang kasi pati ‘yung pagkakaibigan namin, medyo naapektuhan din.”

Pagkaka-describe nga ni Maricris ay “civil” naman daw siya with Jonalyn. Tuwing Sunday All Stars ay nagbabatian naman daw sila pero wala na raw ‘yung usual na tsikahan nila hindi tulad noon.

Lumipat na rin daw ng ibang dressing room si Jonalyn noong mag-solo na raw ito.

Kahit nga nawalan ng ibang raket si Maricris, nagpapasalamat ito na umaariba naman siya sa mga teleserye bilang kontrabida.

Nagsimula siyang maging kontrabida sa teleserye na Mga Basang Sisiw, ngayon ay semi-kontrabida naman siya sa Yagit.

“Tatlo na kaming kontrabida ni Yasmien Kurdi. Ako, Rich Asuncion, at Bettina Carlos. This time, medyo mabait naman ako ng konti kay Yasmien.”

Kahit maraming kinasasangkutang kontrobersya Justin tinalo ang One Direction

Kahit na nasangkot sa kaliwa’t kanang mga kontrobersya sa taong ito, si Justin Bieber pa rin ang highest-earning entertainer under the age of 30 ayon sa Forbes magazine.

Kumita si Bieber ng higit kumulang na $80 million mula June 2013 hanggang June 2014.

Karamihan ng kanyang kinita ay nanggaling sa kanyang hit world tour.

Puro mga musicians and musical entertainers ang nakapasok sa top ten except for Jennifer Lawrence na nanggaling sa mundo ng pelikula.

vuukle comment

AICELLE

AICELLE SANTOS

BETTINA CARLOS

CELEBRITY BLUFF

JONALYN

KAHIT

LA DIVA

MARICRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with