^

Pang Movies

Sising-sisi rin sa mga pagkukulang Sharon tuloy ang pagluluksa sa pagkamatay ng nanay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hanggang ngayon, masakit na masakit pa rin para sa Megastar na si Sharon Cuneta ang pagpanaw ni Mommy Elaine Cuneta. Nagkaroon pa siya ng feeling na may pagkukulang siya at hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na maipadama sa kanyang ina ang pagmamahal na dapat ibinigay niya roon. Nakaramdam din  siya ng pagkukulang dahil noong araw ay may mga sinasabi iyon sa kanya na hindi niya nasunod. Lahat ng iyan ay isinulat niya sa kanyang social networking account.

On the contrary, iba ang madalas naming ma­ri­nig noon kay Mommy Elaine. Ang sinasabi ni Mommy Elaine, ang talagang ikinatutuwa lamang niya ay nagkaroon siya ng mga anak na responsible, walang ginagawang kalokohan na nagbibigay sa kanya ng sakit ng ulo, at masunurin sa kanila ni mayor ang kanilang naging mga anak. Madalas pa ang kuwento ni Mommy Elaine kung gaano “ka-loving, at mapaglambing niyang si Sharon”, na ang totoo ay katabi nilang matulog ng mister noon kahit may sarili naman siyang kuwarto.

Siguro, medyo naiba nga lamang iyon nang mag-asawa na si Sharon. Natural, nagkaroon na siya ng sarili niyang buhay. Mas nabigyan na niya ng priority ang kanyang sariling pamilya, at ang kan­yang mga anak, pero magkasama pa rin sila ni Mommy Elaine. Kung hindi man sila masyadong nagkakasama dahil sa trabaho, si KC Concepcion naman ang laging kasama ng kanyang lola. Grabe rin naman ang relasyon ng mag-lolang iyan. In fact, sinasabi nga nila na nakuha ni KC lahat ng traits ng kanyang Mamita.

Kaya kung iisipin, wala naman sigurong nangyaring kahit na anong pagkukulang kaninuman. Natata­ngay lang ang Megastar ng kanyang emotions. Tapos ngayon, iba na nga ang sitwasyon. Naging emotional siya, pero wala na ang mga taong nakatatanda sa kanya na dati ay bine-baby siya sa ganyang sitwasyon. Wala na sa kanyang mag-aamo na pigilan ang kanyang nararamdaman.

Sunshine at Cesar hindi na pinag-uusapan ang kanilang annulment

Hindi nagsasalita si Sunshine Cruz tungkol sa kanyang petition for annulment ng kasal nila ni Cesar Montano. Wala naman kasing kailangang sabihin dahil alam na naman ng mga tao na matagal na silang hiwalay at kung bakit sila nagkahiwalay. At saka sa totoo lang, ang ganyang mga kaso ay hindi naman talaga dapat pinag-uusapan in public, dahil ang mas maaapektuhan ay ang kanilang mga anak.

Inaamin din ni Sunshine na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap ni Cesar, at nagkikita lamang sila kung nagkakaharap silang dalawa sa husgado. Pero sinasabi nga niyang siguro mas ok na iyon hanggang sa alam nila pareho na maaari na silang maging civil sa isa’t isa.

Si Sunshine din naman ay hindi kagaya ng iba na itinatago ang kanyang mga anak. Bagama’t sa naging desisyon nga ng korte ay siya ang binigyan ng full custody ng kanilang mga anak, hindi naman niya ipinagkakait na makita ni Cesar ang mga iyon ano mang oras.

Tama rin naman si Sunshine na nagsasabing silang dalawa lang ni Cesar ang hindi nagkakasundo, iyong mga bata hindi naman kasali sa usapang iyon, bagama’t hindi nga rin maiwasang madamay sila kahit na papaano.

vuukle comment

CESAR MONTANO

KANYANG

MEGASTAR

MOMMY ELAINE

MOMMY ELAINE CUNETA

NAMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with