^

Pang Movies

Mystery girl ni P-Noy na flight attendant kahawig ni Marian!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Flight attendant na kahawig ni Marian Rivera ang girl na nali-link kay P-Noy.

Walang nakakaalam sa name ng mystery girl pero ang sabi ng mga eyewitness, magiliw na magiliw sa kanya ang presidente ng Pilipinas.

Imposibleng hindi malaman ng publiko ang identity ng mystery girl dahil tiyak na gagawin ng mga reporter ang lahat  para madiskubre ang pangalan at pagkatao ng bagong inspirasyon ng pangulo.

Paolo ipinipilit ng mga baklita na kahawig ni Julie Anne

Ipinalabas kagabi sa Magpakailanman ang episode na kinunan sa Japan at pinagbidahan ni Paolo Contis.

Baklita ang karakter na ginampanan ni Paolo sa Magpakailanman kaya bihis-babae siya sa kanyang mga eksena.

Ang sabi ng mga tunay na vaklush, look alike ni Paolo si Julie Anne San Jose. I beg to disagree dahil hindi magkamukha ang dalawa.

Ipinipilit lang ng mga baklita ang kanilang opinyon at obserbasyon dahil pareho ang shape ng mga mukha nina Paolo at Julie Anne pero kung pagmamasdang mabuti, magkaibang-magkaiba ang mga hitsura nila.

Sharon malungkot ang Pasko

Sobrang lungkot pa rin ang nararamdaman ni Sharon Cuneta dahil sa pagpanaw ng kanyang butihing ina.

Naiintindihan ito ng fans ni Sharon dahil mahirap talaga ang mawalan ng mahal sa buhay.

Lalong makaka-feel ng loneliness si Sharon tuwing may mga mahahalagang okasyon tulad ng Pasko, Bagong Taon, at birthday niya. Si Mommy Elaine ang madalas na kasama ni Sharon sa mga nabanggit na okasyon at ito ang unang Pasko na wala ang kanyang loving mother.

Gabby naka-dinner ang mga anak na iba-iba ang nanay!

Pareho ng nararamdaman si Sharon at ang kanyang anak na si KC Concepcion na very close kay Mommy Elaine.

Isa si KC sa mga pinaka-affected sa pagpanaw ng kanyang lola.

Lola’s girl si KC dahil si Mommy Elaine ang nag-alaga sa kanya at madalas na kasama noong bata pa siya.

Mahahalata sa mga mata ni KC ang lungkot dahil sa pagkawala ni Mommy Elaine.

Kagagaling lamang ni KC sa Ame­rika at nang bumalik siya sa Pilipinas, nagkita-kita sila ng kanyang tatay na si Gabby Concepcion at ng ibang mga anak nito.

Nag-dinner ang mag-aama sa isang Japanese restaurant. Kasama sa dinner ang mga half-sister ni KC, si Garie na anak ni Gabby kay Grace Ibuna at ang dalawang maliit na anak nila ni Ginbee.

Hindi pa kum­pleto ang happiness ni Gabby dahil hindi pa sila nagkikita ni Cloie, ang anak niya kay Jenny Syquia.

Maraming beses nang bumisita sa Pilipinas si Cloie pero hindi pa sila nagtatagpo ng kanyang estranged father. Nakikita lamang ni Gabby sa mga litrato at sa social media ang anak niya kay Jenny. Labingwalong taon na ang nakalilipas mula nang huling makapiling ni Gabby si Cloie dahil 2 years old pa lamang ito nang maghiwalay sila ni Jenny.

Samboy Lim unconscious pa rin

Unconscious pa ang basketball player na si Samboy Lim at ayon ito sa mga kaibigan niya na dinalaw siya sa The Medical City.

Biglang nag-collapse si Samboy noong Biyernes ng gabi habang naglalaro ng basketball sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakiusap ang pamilya ni Samboy sa media na igalang ang kanilang privacy kaya nakikibalita na lamang ang mga reporter mula sa mga malalapit na kaibigan ng basketball player na pinayagan na dumalaw at makita siya.

Naka-confine si Samboy sa ICU ng The Medical City na hindi kalayuan sa Ynares Sports Arena.

vuukle comment

CLOIE

DAHIL

JULIE ANNE

MEDICAL CITY

MOMMY ELAINE

PASKO

PILIPINAS

SAMBOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with