^

Pang Movies

Ellen kinabog ni BB sa pagsuot ng tanga!

Vir Gonzles - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mukhang may makakalaban na si Ellen Adarna sa pagsusuot ng tanga. Noong mag-guest kasi si BB Gandanghari sa Talentadong Pinoy, hitsurang Alma Moreno na nakasuot ng tanga ang drama nito. Kung noong araw bilang si Rustom Padilla nakikipagbarilan ito sa mga pelikula, ngayon naman ay pinagpapasapasahan siya ng mga kalalakihang dancer sa kanilang mga bisig.

Maganda ang presentation ng birthday Robin Padilla sa Talentadong Pinoy. Marami ang bumati sa actor, pero isa ang nanay niyang si Mommy Eva Cariño ang dapat sanang bumati sa anak. Nakalimutan yata ng nag-iinterbyu na kontakin.

Photo exhibit event ng isang samahan initsapwera ang ibang members

Dumating si Mike Magat para mag-judge sa photo contest ng Mowpap sa QC Hall bilang halili sa award-winning na sina Romy Vitug at Noel Orsal. Dumating din si Direk Uro dela Cruz na propesyonal palang kausap sa mga ganitong okasyon.

Maraming sumaksi sa photo exhibit, pero may nadinig kaming komento na dapat daw sana, lahat ng members ay nakasali sa photo contest at hindi ‘yung mga naka-solicit lang sa sponsors ang binigyan ng pagkakataon. Unfair nga naman sa ibang gustong mag-join. Matagal nang members ‘yung ibang mga hindi nakasali. Bigyan n’yo naman po ng chance ang lahat. Wala sanang palakasan, ‘di ba Alice Vergara?

Kiko naiyak sa galit nang malamang bading ang ‘ama’!

Pasado si Kiko Estrada sa kanyang papel sa Magpakailanman. Magaling umarte ang bagets habang kaeksena si Michael De Mesa. Umiyak sa galit si Kiko noong matuklasang beki pala ang kanyang amang pulis at siya ang “customer” na makakasalo sa kaligayahan sa isang motel. Hiyang-hiya si Michael noong nalamang anak niya ang nai-booking sa gabing ‘yun.

Shocking naman, may mga nagtatanong, totoo bang may siokeng pulis? Meron ba talagang ganu’n?

Jopay at Joshua pinataob PA ni Bobay sa sayawan

Nakapagtatakang natalo pa ni Bobay sina Jopay Paguia at Joshua Zamora sa contest sa Marian dance show ni Marian Rivera. Well, iba-iba talaga ang taste ng tao sa pagpili.

Julie Anne malapit nang hatulan!

Sa December 13 hahatulan si Julie Ann San Jose sa pagiging concert star sa MOA Arena. Tatlo ang guest niya sa kanyang Hologram concert - sina Christian Bautista, Sam Concepcion, at Abra. Mapuno kaya ang Arena pagdating ng showtime ni Julie Ann?                     

vuukle comment

ALICE VERGARA

ALMA MORENO

BOBAY

CHRISTIAN BAUTISTA

DIREK URO

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with