^

Pang Movies

Kathryn dapat mag-alala Daniel at Jasmine kinakitaan ng chemistry

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa shooting ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo sa Maragondon Cavite, may nagkuwentong ibang-iba raw ang tambalang Daniel Padilla at Jasmine Curtis Smith sa pelikulang ito. Kadalasan kasi, si Kathryn Bernardo lang palaging napapanood with Daniel. Siyempre kapag madalas ‘yun ang napapanood, nasasawa rin ang fans. May kilig din daw kasi sa tambalang Daniel at Jasmine. Kaya naman pala niligawan ni Robin Padilla ang pamangking si Daniel para maisama niya sa pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila.

Miggs walang takot na nakipagsabayan kay Gina

Puring-puri ang child star na si Miggs Cuaderno na nakipaglabanan ng acting kay Gina Pareño sa Magpakailanman. Ibang klase raw ang atake ng batang ito. Walang takot o nerbyos kapag kaharap ang mabibigat na stars. Nag-rate ng 13.4% ang Magpakailanman.

Ipinatawag siya ni ER Ejercito para makasali sa Magnum Muslim .357 na idinirek ni Jun Posadas. Bidang rito si Sam Pinto na kapareha ni ER. Mabuti naman at may movie si Sam, pulos na lang kasi patawa siya sa Bubble Gang.

Misis naospital dahil kina Hajji, Rico, Rey, at Marco

May kuwento si Hajji Alejandro, noong mag-show daw sila sa Australia nina Rico Puno, Rey Valera, at Marco Sison, isang misis daw ang na-ospital pagkatapos silang mapanood. Tawa raw kasi ng tawa ang naturang babae sa mga kakengkoyan nila. Kaya ayun, nag-lock jaw yata ito at naospital. Masaya ang grupo kapag nagsho-show sa ibang bansa. Bukod sa maganda ang talent fee, napaliligaya pa mga kababayan.

Metropolitan Theater ‘minumulto’ na!

Sana matulungan ni Mayor Erap Estrada si Kuya Germs na muling mapaganda ang Metropolitan Theater na pinamamahayan na raw ngayon ng mga bad spirits. Ang dilim-dilim kasi at maraming anino raw ang gumagalaw na lango yata sa alak.

vuukle comment

ANG UNANG PANGULO

BUBBLE GANG

DANIEL PADILLA

GINA PARE

HAJJI ALEJANDRO

JASMINE CURTIS SMITH

JUN POSADAS

KATHRYN BERNARDO

KAYA

METROPOLITAN THEATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with