^

Pang Movies

Isabelle pipirma na ng kontrata sa Dos!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kumpirmadong pipirma na ng exclusive contract sa ABS-CBN ang dating GMA-7 exclusive star na si Isabelle Daza!

Bukas magaganap ang pirmahan ng kontrata sa pagitan ng kampo ng anak ni Gloria Diaz at ng Kapa­milya network.

Nakumpirma ang paglipat ni Isabelle sa Dos nang dalawin nila ng kanyang manager na si Leo Do­minguez ang Kapamilya executive na si Deo Endrinal noong Biyernes.

“Bumisita na si Isabelle at Leo sa office ni Deo at marami namang nakakita, kaya hindi na puwedeng ilihim. Yes, sa Monday na ang contract signing ni Isabelle sa Dos at big welcome ang gagawin sa kanya,” sabi ng source ko.

Si Leo ay ayaw pang magkuwento ng mga detalye tungkol sa pipirmahan nilang kontrata sa Kapamilya network, pero hindi na naman niya ikinakaila ang tungkol doon.

Ayon sa kampo ni Isabelle, maayos naman silang nagpaalam sa GMA 7 management.

Maging sa pamunuan ng TAPE, Inc. na producer ng Eat Bulaga kung saan ay mainstay si Isabelle ay namaalam din ang magandang anak ni Gloria Diaz kasama ang kanyang management team.

Pinasalamatan ni Isabelle ang Siyete na nag-aruga sa kanya sa loob ng tatlong taon. Pinasalamatan din niya ang grupo ng Eat Bulaga sa sobrang pag-aalaga na ginawa sa kanya at dahilan nga para mapalapit din siya sa masa.

“Halos maiyak si Isabelle na mawawala na siya sa Eat Bulaga. Maayos ang naging pagpapaalam niya. Mahal na mahal ni Isabelle ang mga kasamahan niya sa Eat Bulaga, pero hindi naman puwedeng mag-stay siya roon dahil pipirma na nga siya sa Dos,” sey pa ng source ko.

Sa paglipat ni Isabelle sa Dos, hinding-hindi raw mangyayari na mapupunta ito sa katapat ng Eat Bulaga na It’s Showtime.

“Hindi naman papa­yag sina Isabelle at lalong hindi naman ga­gawin ‘yun ng ABS-CBN executives. May shows na naghihintay na kay Isabelle at isang teleserye ang una niyang gagawin sa Dos,” imporma pa ng aking source.

Natuwa raw ang nanay ni Isabelle na magiging isa na ring Kapamilya ang anak.

Sa ngayon kasi, isang Kapamilya ang dating Miss Universe dahil regular cast member siya ng pinakabagong tele­serye ng Dos, ang Dream Dad na magsisimulang umere bukas.

Malamang daw na gawan din ng project together ng Kapamilya network ang mag-inang Isabelle at Gloria in the near future.

Kung matatandaan nga pala, kahit na isang Kapuso actress noon si Isabelle, malaki na ang tiwala sa kanya ng Kapamilya network dahil ginawa pa siyang ka-triangle nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa pelikulang It Takes A Man and A Woman kung saan ay napansin ang galing niya sa pag-arte.

vuukle comment

DEO ENDRINAL

DREAM DAD

EAT BULAGA

GLORIA DIAZ

ISABELLE

ISABELLE DAZA

IT TAKES A MAN AND A WOMAN

JOHN LLOYD CRUZ

KAPAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with