^

Pang Movies

Mga despedida de soltera ni Marian walang puknat

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa Sunday na gaganapin ang #5thBridal­Sho­werNiYan na ibibigay ni Ms. Celia Rodri­guez. Gabi na kasi nakabalik last Tuesday evening si Ma­­rian Ri­vera at ang kanyang Triple A Ma­nagement family mula sa naiibang #4thBri­dalShowerNiYan sa Night Safari sa Singapore.

Namasyal din sila sa iba’t ibang lugar sa Singapore, kasama na ang Universal Studios. Last year kasi nang mag-attend si Marian sa Asian TV Festival sa Singa­pore, kung saan nominated siyang Best Actress sa drama series na Temptation of Wife, hindi siya nakapasyal dahil kinailangan niyang bumalik agad dito dahil nagti-taping pa siya noon ng Carmela.

Siyempre, hindi pinalampas ni Ma­rian na mag-pose kasama ang replica ng paborito niyang fictional character na si Shrek. At pwede bang hindi mag-shopping si Marian? Ano kaya ang pasalubong ni Yan sa husband-to-be niyang si Dingdong Dantes?

Isa namang pinaghahandaan nina Marian at Dingdong ang pagdalo sa party na bigay sa kanila ng DongYan fans na gaganapin sa Camp Aguinaldo, Quezon City on November 26. Lahat ng fans na gustong mag-join ay welcome. Pero ang formal event na Despedida de Soltera ni Marian ay gaganapin sa December 3 at ang namahala sa lahat ay ang wedding planner nilang si Teena Barretto.

Kasalang Chito at Neri ‘potluck’ daw ang kainan

Bukod kina Dingdong at Marian na ikakasal sa December 30, sa December 10 naman ang wedding date nina Bianca Gonzales at JC Intal na sabi’y sa Smart Araneta Coliseum gagawin ang reception. Isa sa mga abay ni Marian si Bianca, pero nag-promise ang kaibigan na babalik sila from their honeymoon ni JC on time sa kasal nila ni Dingdong.

Sa December 14 naman ang wedding date nina Chito Miranda at Neri Naig. Nakita namin ang wedding invitation nila na written in Tagalog: Chito at Neri – Ikakasal kami sa Dec. 14, 2014, 3:30 p.m. sa (____) sa Tagaytay, Silang, Cavite.  Doon na rin tayo kakain pagkatapos. POTLUCK PO ANG HANDAAN. JOKE!

Bituin Escalante bibirit sa comedy bar

Ibang bumirit ng kanta ang mahusay na singer na si Bituin Escalante. Katatapos lamang niyang mag-perform at nabigyan ng ilang standing ovation sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Pero first time niyang ka­kanta sa isang comedy bar, sa Zirkoh Morato, ngayong gabi, No­vember 20, 9:00 p.m. ­Inamin niyang hindi siya sanay kaya malaking challenge ito kay Bituin, pero na­ngako siyang gagawin niyang isang masayang sing-along session ang show.

Special guest ni Bituin sina ­Ed­­gar Allan Guzman at Joross Gam­boa. Si Edgar ay nagbabalik-recor­ding sa Ivory Records, at isa sa aawitin niya sa show ang Sa ‘Yo na available na rin at puwedeng i-download sa iTunes. Ise-celebrate rin ni Edgar ang kanyang birthday sa show. Si Joross naman ay ise-celebrate ang Despedida de Soltero niya sa show dahil malapit na rin siyang ikasal this month sa long-time girlfriend niya.

Tickets, priced P500.00, ay available sa Ticketworld at sa gate ng Zirkoh. You can call Ace sa 0927-339-4301.

vuukle comment

ALLAN GUZMAN

BEST ACTRESS

BIANCA GONZALES

BITUIN

BITUIN ESCALANTE

CAMP AGUINALDO

CHITO MIRANDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with