^

Pang Movies

Nasunog na sa guaranteed contract aktor ayaw sugalan ng lilipatan sanang network

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Usap-usapan ang hindi natuloy na negotiations between a male star at isang network. Ok naman daw sana ang usapan nang sabihin ng manager na nakahandang lumipat ang male star sa bagong network. Kaso ang hinihingi nila sa network ay isang guaranteed contract. Ang gusto naman ng network ay per project contract lang.

Hindi mo masisisi ang male star, dahil matagal din naman siyang walang magandang project sa aali­san niyang network. Noon, talaga namang bi­nig­yan siya ng build up, pero hindi nga kasi siya mas­yadong umangat eh. Kaya hindi mo rin masisi ang dating network kung mas nabigyan ng chance ang iba. Alam naman natin na negosyo ‘yan.

Kaso nalulugi din naman ang mga networks sa mga guaranteed contracts na ganyan. Kasi igagawa mo ng project, hindi naman kikita. Mababakante, pero kung ganoon nga ang kontrata, obligado ang net­work na bayaran ang full talent fee. Ginagawa nila iyon dahil mas malaki naman ang malulugi sa kanila kung igagawa pa nila ng project kung hindi rin naman kikita. Marami nang networks ang nalugi sa ganyan.

Kaya tingnan ninyo, per project ang contract ni Empress Schuck nang lumipat siya sa ­GMA-7. Per project din naman ang deal na ibi­nigay ng ABS-CBN kay Maxene Magalona. Pareho iyang dalawang iyan na pinuhunanan ng dati nilang networks sa mga serye. Ngayon per project basis na ang deals nila. Mahirap kasi basta hindi tested. Mahirap sumugal ngayon sa mga artista dahil talagang mapili na rin sa mga show na susuportahan ang mga advertiser. Sa mahal  ba naman ng commercials ngayon hindi ka pa magiging wise. At hindi maikakaila, apektado diyan ang mga artista.

Vicki at Hayden nagpa-plano na namang pakasal

Finally, inaamin na nilang balak daw magpakasal ni Vicki Belo at Hayden Kho. So what’s new? Hindi ba expected naman iyon? Kahit na noong panahong sinasabing “off” na sila, minsan ay nakita naming magkasama silang dalawa sa Glorietta.

Kahit noong panahong malabo daw sila, hindi ba involved din si Belo sa negosyong itinayo noon ni Hayden?

Sabihin nating nagpalamig lang sila ng mga issue, pero hindi sila nag-break. Maski nga noon na may tsismis na iba kay Belo, hindi kami naniwala eh. At saka kung nagkakasundo naman sila at happy, bakit naman natin iisipin na wala na sila, o nag-break sila?

Kung sabagay, ganyan sa show business, laging ang gusto may nababago. Pero iyong mga bagay na personal nga kagaya niyan, huwag na nating pakialaman. Kung saan sila happy, pabayaan na ninyo.

GF lumantad na, ka-love team ng actor nganga na lang

Hindi talaga totoo ang isang love team. Uma­amin na kasi ang tunay na girlfriend ng male star ng totoong relasyon nila at inilalabas iyon sa kanyang social networking account. Complete with pictures pa. May screen cap pa ng kanilang mga private messages, hindi ka pa ba maniniwala?

Pero sabi nila, mukhang naniniwala daw sa love team nila ang female star.

Kawawa naman siya. Umaasa pa pala siyang tototohanin siya eh wala naman talaga. Siguro magkaiba nga silang dalawa ng mundo kaya ganoon. Bagsak na ang love team na iyan kung ganoon.

vuukle comment

BELO

EMPRESS SCHUCK

HAYDEN

KUNG

NAMAN

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with