^

Pang Movies

Pagbibida ni Marian sa Koreanovela, peke!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mayaman ang pag-iisip nang gumawa ng press release na napili si Marian Ri­vera over Anne Curtis, Maja Salvador, and Angel Locsin para gumawa ng isang Koreanovela na isu-shoot sa Tagaytay, Bo­racay at iba pang parts ng Pilipinas at siyempre, sa South Korea. Ang ma­kakatambal daw ni Marian ay si Hyu Bin na unang napanood ng mga Filipino fans sa My Name Is Kim Sam Soon at Secret Garden. Na sa Jan­uary, 2015 ay pupunta na ng Korea si Marian para mag-aral ng Korean language at three months na magti-­taping ng serye na may 21 episodes. Hindi kami naniwala, kaya hindi na namin tinanong si Rams David, ang manager ni Marian for Triple A Entertainment, dahil nang lumabas ito, kasalukuyang busy silang nasa disyerto ng Dubai at nagsu-shoot ng pre-nuptial video nina Marian at Ding­dong Dantes. Tumawag lamang kami sa office nila, kung may ganoong offer sa Primetime Queen at wala raw naman silang natatanggap.

Nag-google kami sa name ni Korean actor Hyun Bin (na ang wife ay si Ha Ji Won, ang gumaganap na si Empress Ki sa epic novel na napapanood ngayon sa GMA 7) at mayroon nga siyang gaga­wing bagong drama series, Dr. Jekyll and Mr. Hyde na gaganap ng two characters si Bin at mai-in love sa dalawang leading ladies niya na hinahanap pa kung sino ang gaganap. Iyon siguro ang naisip ng gumawa ng press release. Of course, isang mala­king karangalan iyon kay Marian kung totoo, pero sa ngayon, mukhang hindi ipagpapalit ni Marian ang trabahong iyon na matatapat pa sa honeymoon nila ni Dingdong sa January, 2015.

Andrea ipinikit ang mga mata sa lampungan nila ni Mikael

Pangatlong drama series na nina An­drea Torres at Mikael Daez ang Ang Lihim ni Annasandra (ALNA), pero ngayon lamang sila nagkaila­ngan sa passionate love scene nila sa te­le­fantasiya na napapanood sa afternoon prime ng GMA 7 after ng Yagit. First time raw nila kasing nagkaroon ng ganoong eksena at hindi alam ni Andrea kung paano ito gagawin. Nag-usap sila ni Mikael at nagkasundo silang ipipikit na lamang ni Andrea ang mga mata niya at si Mikael na ang magga-guide sa kanya. Pero bago sila nag-take, ten minutes pa rin silang nag-internalize sa gagawin nila, at nagpasalamat si An­drea kay Mikael at kay Direk Albert Languitan at hindi naman pala ganoong kahirap gawin.

Hindi raw siya nag-worry na baka may magselos, nag-worry siya kung magagawa ba niya nang tama ang gusto ng kanilang director at kung papasa rin ito sa classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Masayang ibinalita nina Andrea at Mikael na inaayos ang schedule nila para maka-attend sila to promote their first drama series na ginawa, ang Sana Ay Ikaw Na Nga na ipalalabas sa Cambodia, Brunei, at Malaysia. Bukod kasi sa ALNA, regular din silang napapanood sa Bubble Gang, si Andrea sa Sunday All Stars at si Mikael, sa Ismol Family at Midnight Express ng Saksi.

vuukle comment

ANDREA

ANG LIHIM

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

BUBBLE GANG

DIREK ALBERT LANGUITAN

EMPRESS KI

MIKAEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with