^

Pang Movies

Sharon at KC sa social media nagbubuhos ng lungkot!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakatakdang ihatid ngayong araw na ito, Tuesday, sa kanyang huling hantungan si Mrs. Elaine Cuneta, mother ni Sharon Cuneta at lola ni KC Concepcion.

Matatandaang pumanaw si Mommy Elaine last Nov. 5 at alam ng lahat na isang malaking dagok ito sa pamilya lalo na nga kay Sharon and KC.

Sa ngayon ay tahimik lang na nagda­dalamhati sina Sharon and KC at hindi nag­bibigay ng anumang panayam pero sa ka­ni-kanilang social media accounts ay nagpapahayag sila ng kanilang pagkalungkot sa pagkawala ni Mommy Elaine.

Last Sunday ay nag-post si KC ng mahabang mensahe para sa kanyang lola kung saan ay sinasabi niya kung gaano niya ito nami-miss.

Post ni KC: “Mita Elaine, you were my best friend, my biggest fan, my soulmate. I’m looking forward to the day we can embrace, hold hands, talk, see and be with each other again. I want to hear all about your stories in heaven. How beautiful it is, how good the food is there, how you enjoy the company of everyone around you there. How wonderful and “robust” and handsome and good God is. How much fun your spontaneous adventures are, and how happy you are that you can do anything you want again, make “lakwatsa” in your most beautiful clothes, shoes & jewelry. I love you so much and I can’t wait see your smile & beautiful eyes again. You allowed me to fly, because you knew I could. You taught me so much. Your love is a gift. I hope I continue to fly high so you can be proud. Mita, thank you for being the best. #SuperLola.”

Kahapon naman ay si Sharon ang nag-post sa kanyang Instagram account ng isang tula na may caption na “I love and miss you so much.”

Parte ng tula ay: “Death has taken you but neither time nor death can take away our love and memories. We live but for a moment and when my journey ends, we will be together again, not just for a moment but for eternity”.

Sagot ni Cristine sa isyung buntis inaabangan pa rin

Kumalat sa Internet ang larawan ni Cristine Reyes kung saan ay makikitang tila may baby bump sa kanyang tiyan at kung titingnan talaga, para ngang buntis siya ng mga 4 to 5 months.

Kasama ni Cristine sa larawan ang ate niyang si Ara Mina na kasalukuyang heavy with her first child sa boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at isang guy na nakatabi kay Cristine na feeling namin ay boyfriend niya.

Ang nasabing larawan ay pinost daw ni Cristine sa kanyang Instagram account pero deleted na ngayon.

Matatandaang nagsimulang mabalitang buntis si Cristine during the promo of The Gifted kung saan siya kasama na ipinalabas noong Setyembre. Nang tanungin siya sa premiere night kung ano ang totoo tungkol dito ay hindi niya ito sinagot at nag-walk-out siya.

Since then ay hindi na nagbigay pa ng interview si Cristine sa media at hanggang ngayon ay hindi siya napagkikita sa showbiz. Hindi na rin siya tumanggap ng project. Dapat sana’y kasama siya sa Passion de Amor na teleserye ng ABS-CBN pero tinanggihan niya ito.

Well, the fact na wala tayong naririnig na denial from Cristine hanggang ngayon at kasabay pa nito ang pagpapahinga niya sa showbiz, bakit mo nga hindi iisiping totoo ang tsismis?

Pero in fairness, sa nakita naming larawan, walang make-up si Cristine pero ang ganda-ganda niya and looking fresh. If true na buntis siya, mukhang happy naman siya.

vuukle comment

ARA MINA

BULACAN MAYOR PATRICK MENESES

CRISTINE

CRISTINE REYES

INSTAGRAM

LAST SUNDAY

MATATANDAANG

MOMMY ELAINE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with