^

Pang Movies

Dislocated pa raw ang braso, Maegan lamog sa bugbog ng ka-live in na lasenggo?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Binugbog diumano ang anak ni Freddie Aguilar na si Maegan Aguilar ng kanyang live-in partner na si Ali Sanchez.

Pinost ng kaibigan ni Maegan na nagngangalang Maria Silorio ang mga photos ni Maegan sa kanyang Facebook page. Sa mga photos ay makikita si Maegan na nakaupo sa isang gurney sa loob ng ambulansya nang dalhin ito sa emergency room.

Kitang-kita na physically-battered si Maegan.

Heto ang post ni Silorio tungkol sa mga photos na kanyang in-upload:

“My Bestfriend Maegan Comet Aguilar received this nasty beating as a ‘parting gift’ from her live-in Partner when she firmly tried to end there (sic) relationship today.

“Ali’s an alcoholic that often reaches a violent black out state & beats up my friend & threatens her life,” went the post of Silorio who recently collaborated with Maegan sa isang bagong recording.

“Hindi daw po agad2 nagpa blotter or nagsumbong c ate maegan sa brgy o pulis dahil ayaw nya pong lumabas itong parte ng buhay nya sa publiko.

“Pero ito pong huling insidente ay nagdulot po talaga ng kritikal na kalagayan sa kanya.

“Sa ngayon po mukhang dislocated ang right arm ni ate maegan at kitang kita din po na lamog sa bugbog at pasa ang likod at hips nya dahil sa pagtilapon sa kanya ni kuya ali ng magpumilit itong umuwi sa condo ni ate kaninang 2:45am.”

May hashtag pa nga ang mga post ni Silorio na #AteMegsToldme #ToPostthis  #OnPublic.

Ni-like raw ni Maegan ang mga photos at nai-share rin niya ito sa kanyang Facebook page.

Ilang buwan lang ang nakararaan nang maging headline si Maegan dahil sa kanyang hindi pagkakaunawaan sa sariling amang si Freddie Aguilar.

Pinaalis ng legendary folk artist si Maegan at ang live-in boyfriend na si Ali dahil sa ilang issues tungkol sa bahay.

Nauwi ang away nang sisihin ni Maegan ang bagong asawa ng kanyang ama na si Jovie Albao na ito ang dahilan kung bakit sila pinalayas sa bahay nila.

Ngayon ay balik sa kontrobersya si Maegan dahil sa ginawang pambubugbog sa kanya ng kanyang boyfriend na si Ali na isang rock musician at miyembro ng bandang K.O. Jones.

Diumano’y isang alcoholic nga raw si Ali at pinost pa ni Maegan ang photo nito sa Facebook na ngumingiti at napapaligiran ng mga bote ng alak.

May caption pa rito si Maegan na “last man drinking…as usual.”

Maraming mga kaibigan ni Maegan ang naging concern at ineengganyo itong mag-file na ng kaso laban sa kanyang boyfriend.

Wala pang comment sa ngayon si Maegan at maging ang kanyang boyfriend tungkol sa insidenteng ito.

Miss Philippines Mary Anne Guidotti nagiging paborito na sa Miss International

Isa sa nagiging paborito ngayon sa magaganap na Miss International Pageant on November 11 sa Takanawa, Japan ay ang ating Philippine representative na si Mary Anne Bianca Guidotti.

Sa isang ginawang fearless forecast online ng ilang pageant sites, kabilang nga si Miss Philippines sa top contenders for the Miss International crown.

Kasama sa malalakas na kalaban ni Miss Philippines ay sina Miss Venezuela Michelle Bertolini; Miss Slovakia Lucia Semankova; Miss Mexico Vianey Ramirez; Miss Colombia Zuleika Suarez; Miss India Jhataleka Malhotra; Miss Thailand Punika Kulsoontornrut; Miss Netherlands Shauny Bult, and Miss United Kingdom Victoria Charlotte Tooby.

Mas maganda nga kung muling mapapanalunan ng Pinay ang Miss International crown. Last year, ang ating Miss Philippines na si Bea Rose Santiago ang nakapanalo ng naturang korona.

Isang European Studies graduate sa Ateneo de Manila University si Mary Anne. Bukod sa English at Tagalog, fluent din siya sa ilang languages tulad ng Spanish at Portuguese. Bago siya lumipad patungong Japan ay na-perfect niya ang pagsalita ng Nihonggo.

Rihanna ayaw tantanan ng stalker na gurang!

Isang alleged stalker ng singer na si Rihanna ang inutusan ng korte na layuan nito ang singer pagkatapos siyang mahuling umaaligid sa labas ng apartment ng singer sa Manhattan, New York City.

Ang naturang stalker na nagngangalang Kevin McGlynn ay nagpapadala rin ng mga threatening letters kay Rihanna.

Noong September ay pina-commit ito sa isang psychiatric hospital in Staten Island dahil unfit ito na humarap sa korte.

Kelan lang ay nag-petition ito na mai-release siya.

Nakapag-decide na si Judge Orlando Marrazzo na kapag muling nakita si McGlynn na malapit sa apartment ni Rihanna, may order na arestuhin siya agad.

Pinagbawalan din siya na tawagan, mag-text, at magpadala ng anumang e-mail sa singer.

Ang 54-year-old stalker ay nagpadala rati ng ilang mails kay Rihanna ay nagpapahiwatig ito ng tungkol sa murder at sexual assault.

Inakusahan pa niya si Rihanna na ninakaw nito ang mga songs niya.

Ang ikinatatakot ng ilan na baka matulad si McGlynn kay Mark David Chapman, ang lalaking bumaril kay John Lennon noong December 1980 sa harap ng apartment nito sa New York.

“He appears to be a ticking time bomb who is wholly fixated on (Rihanna), and poses a direct threat of serious physical harm or death to her and anyone around her,” sey pa ni Judge Marrazzo.

vuukle comment

ALI

FACEBOOK

MAEGAN

MISS

MISS INTERNATIONAL

MISS PHILIPPINES

RIHANNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with