^

Pang Movies

Maegan nahaharap na naman sa matinding dagok

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakakaloka ang mga picture ng pang-uumbag kay Maegan Aguilar ng kanyang live-in partner.
Tiyak na iiral ang pagiging ama ni Freddie Aguilar kapag nakita nito ang pananakit na ginawa sa anak na nagtakwil sa kanya noon.

In fairness kay Ka Freddie, hindi siya nagsalita laban kay Maegan noong panahon na mainit ang away nila at inikot ng anak ang lahat ng mga showbiz oriented talk show.

Imbes na magalit, inunawa ni Ka Freddie si Maegan na nagbitaw ng salita na tapos na ang father and daughter relationship nila ng kanyang ama.

Nahaharap ngayon si Maegan sa bagong pagsubok dahil sa bugbog na ipinatikim ng kanyang ex-live-in partner.

Knowing Ka Freddie, hindi nito matitiis si Maegan. Tiyak na dadamayan niya ang anak na kawawang-kawawa ang hitsura matapos umbagin ng isang mhin na walang puso at respeto sa mga kababaihan.

Hindi natin alam ang mga nangyayari sa perso­nal na buhay ni Maegan at ng kanyang live-in partner pero maling-mali na saktan ng mga lalake ang mga babae.

Gabriela malamang umeksena uli dahil sa pang-uumbag kay Maegan ng partner

Violence victim si Maegan ng mhin na magaan ang kamay sa pananakit ng isang babae na mahina.

Nakikita ko na ang next scenario. Mag-aalok ng tulong kay Maegan ang cause-oriented group na GABRIELA.

Kung nagawa ng GABRIELA na ipaglaban ang kaso ng pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude, puwedeng-puwede nilang tulungan si Maegan na isang tunay na babae at biktima ng violence.

Marian naisukat na ang wedding gown

Kasama ni Marian Rivera si Dingdong Dantes nang magpunta siya sa shop ni Michael Cinco sa Dubai.

Sinadya ni Marian si Michael para sa fitting ng kanyang wedding gown.

Ang litrato lamang nila ni Dingdong na kasama si Michael ang inilabas ni Marian. Hindi muna niya ipinakita ang isinukat na gown at ito ang dapat abangan sa pagmartsa niya sa Immaculate Conception Cathedral sa December 30.

Supersireyna runner-up waging Miss International Queen

Congrats sa transgender na si Isabella Santiago ng Venezuela dahil siya ang newly-crowned Miss International Queen.

The who si Isabella? Walang Pinoy blood si Isabella pero nakilala ito ng mga kababayan natin nang mag-join siya noong July sa Supersireyna Worldwide ng Eat Bulaga.

Hindi umuwing luhaan si Isabella dahil siya ang hinirang na 1st runner up sa beauty contest ng Eat Bulaga para sa mga baklita.

Hindi sumuko si Isabella dahil sumali uli siya sa ibang gay beauty contest at ito nga ang Miss International Queen.

Hindi nabigo si Isabella dahil siya ang nag-take home ng much coveted title. Natupad na ang dream niya na maging international beauty queen.

At bilang ex-contestant siya ng Eat Bulaga, malamang na ipakita muli ng a­king favorite noontime show ang footage ng pagsali ni Isabella sa Supersireyna.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

FREDDIE AGUILAR

IMMACULATE CONCEPTION CATHEDRAL

KA FREDDIE

MAEGAN

MISS INTERNATIONAL QUEEN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with