^

Pang Movies

Mega nagpapasalamat sa mga dumamay pero pampamilya lang daw talaga ang lamay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Internal bleeding at complications mula sa abdominal surgery ang naging sanhi ng pagpanaw ng ina ni Megastar Sharon Cuneta na si Mrs. Elaine Gamboa-Cuneta o mas kilala sa showbiz bilang Mommy Elaine.

Noong September pa nga raw naka-confine ang 79-year-old mother ni Sharon dahil sa iniinda nitong abdominal pains. Pitong linggo na nga raw nasa intensive care unit ito ng St. Luke’s Medical Center Global City sa Taguig City.

Sa isang official statement nagpapasalamat nga ang Cuneta and Gamboa Family sa mga nakiramay at sumuporta sa kanilang yumaong mahal na si Mommy Elaine.

“The family is deeply grateful for the outpouring of sympathy, love, and prayer support during their time of grief. They thank all the doctors and nurses who did the best they could to care for Mrs. Cuneta these past few months.

“Her children, Chet and Michelle, Sharon, and Kiko, her grandchildren—KC, Paul, Chuck, CP, Christopher, Daniel, Czarina, Lucas, Frankie, Miel, and Miguel, her siblings—Paz, Betchie, and Johnny, Gilbert, Vernon, and Esther, Carmela, and Paquito, Helen, and Tito, Edna, and Jing, and Evelyn and Bong, and all their children are profoundly saddened by her passing.

“Mrs. Cuneta was 79 years old and the daughter of the late Domingo Gamboa and Eusebia Albent.

“The family thanks the public for the outpouring of sympathy, love, and prayer support during their time of grief, but also asked for privacy.

“It has been a very difficult time for the family, especially for Sharon, Chet, KC, and Mrs. Cuneta’s brothers and sisters, and it is their hope that they may be allowed some privacy as they mourn the loss of the beloved Mrs. Cuneta.

“The wake will be held at the Capilla Del Señor and Capilla Dela Virgen of Santuario de San Antonio Parish, McKinley Road, Makati City from November 6 to 11, 2014. Details of the interment will follow.”

Naalala tuloy namin ang personal encounter namin kay Mommy Elaine noong 1996 nang ma-interview namin siya para sa programang Cristy Perminute.

Hiningan namin siya ng mensahe para kay Sharon dahil ginagawa nito ang una niyang pelikula sa Star Cinema na Madrasta.

Hindi nga madalas magpa-interview si Mommy Elaine for TV, pero sa pagkakataong iyon ay magiliw siyang pumayag sa pakiusap namin.

‘Yung simpleng mensahe na hiningi namin ay nauwi sa isang mahabang interview at doon namin nakita kung gaano niya kamahal at sobrang sinusuportahan ang kanyang anak na si Sharon Cuneta.

Rest in peace, Mommy Elaine...

Ninong ni Charice inakusahan ni Racquel na nakikisawsaw sa pagpapalit ng anak ng manager

Galing na mismo sa ina ni Charice Pempengco na si Raquel Pempengco na walang kinalaman sa pera ang pagtsugi ng manager nitong si Glenn Aldueza.

Nilinaw ni Mommy Raquel na natapos na raw kasi ang kontrata nito bilang manager ni Charice kaya naghanap na ang kanyang anak ng ibang magre-represent sa kanya. Noong buwan ng Mayo pa raw nag-end ang kontrata pero ngayon lang daw nagawang palitan ni Charice si Glenn.

“Nag-suggest ako na dapat mag-iba na si Cha ng manager hindi dahil sa kung ano pa man, para for a change lang na kayang dalhin si Charice.

“As a manager kasi, wala namang experience si Glenn sa mga ganyan. Nag-agree naman sila sa suggestion ko.

“May contract sila, one year lang. Tapos na nung May pa. Para kay Charice magkaiba ang friendship at business side. Be professional.

“So far, naglabas lang ng status si Cha sa FB na hindi na si Glenn ang manager. That’s it. Pero as of now, we’re still communicating with him. Lahat lang ng naiwan sa kanya na mga business proposal ay dapat niyang i-turn over na.”

Nag-deny naman ni Mommy Raquel na may kinalaman sa pera ang dahilan ng pagkawala ni Glenn kay Charice. Nagulat na lang ito nang may nasabi ang ninong ni Charice na si Robert Ybera tungkol sa perang hindi raw binayad ni Glenn sa lote na pinaglibingan ng ama ni Charice sa Cabuyao, Laguna.

“Nagulat nga ako kung anong anomalya ang pinalabas ni Robert. Matagal na siyang ‘di konektado sa amin. Wala kahit contact. Kaya sana huwag niya kaming pinangungunahan. Huwag na sanang makisawsaw pa,” pagtatapos pa ni Mommy Raquel.

Shailene Woodley pinakamaraming nominasyon

sa People’s Choice Awards

Nangunguna ang Hollywood actress na si Shailene Woodley sa pinakamaraming nakuhang nominations sa magaganap na 2015 People’s Choice Awards on January 7, 2015 sa Nokia Theatre in Los Angeles.

Nakakuha si Woodley ng apat na nominations, kabilang na ang Favorite Movie Duo for both her films na Divergent and The Fault In Our Stars; Favorite Action Movie Actress for Divergent and Favorite Movie Dramatic Actress for The Fault in Our Stars.

Maglalaban sa Favorite Movie Actress ay sina Emma Stone, Jennifer Lawrence, Scarlett Johansson, Melissa McCarthy, at Angelina Jolie.

Samantalang sila Brad Pitt, Channing Tatum, Robert Downey, Jr., Hugh Jackman, and Mark Wahlberg ang maglalaban sa Favorite Movie Actor.

Ang singer naman na si Sam Smith ay nakakuha rin ng apat na nominations: Favorite Male Artist, Favorite Breakout Artist, and Favorite Song.

Ang mga TV shows naman na Grey’s Anatomy, The Vampire Diaries, at Supernatural ay nakakuha ng tig-limang nominations.

Maglalaban for Favorite Comedic TV Actress sina Amy Poehler, Kaley Cuoco-Sweeting, Sofia Vergara, Zooey Deschanel, at Melissa McCarthy.

For Favorite Movie naman, maglalaban ang mga pelikulang 22 Jump Street, Captain America: The Winter Soldier, Guardians of the Galaxy, Maleficent, at X-Men: Days of the Future Past.

For Favorite TV Show, maglalaban ang The Big Bang Theory, Game of Thrones, NCIS, Once Upon a Time,  at The Walking Dead.

vuukle comment

CHARICE

CHOICE AWARDS

CUNETA

FAVORITE

GLENN

MOMMY ELAINE

MOMMY RAQUEL

MRS. CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with