^

Pang Movies

Wala naman daw problema sa mister ng ka-loveteam Marvin mahahalikan na rin sa wakas si Jolens!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pagkatapos ng mahabang panahon, nagbabalik ang dating magka-loveteam na sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa kanilang original network - ang ABS-CBN na siyang nagpasikat talaga sa kanila at sa tambalang Marvin-Jolina.

Kahapon ng tanghali ay humarap sina Marvin at Jolina sa entertainment press sa pocket presscon para sa comeback teleserye nilang Flordeliza at nakakatuwang makitang muli ang dalawa sa dati nilang istasyon.

Actually, marami nga ang nagulat dahil sa bilis ng pangyayari. Wala namang usap-usapan before na lilipat muli ang dalawa sa ABS-CBN at wala ring kahit masyadong sitsit na magbabalik ang kanilang tambalan.

Kuwento ng direktor na si Wenn Deramas, masyado talagang mabilis ang pangyayari. Nakipag-meeting lang daw siya sa executives ng ABS-CBN at pinagkwento lang siya ng kanyang konsepto at na-approve raw agad. Wala pang casting that time.

One week after, nagpa-approve ng himay ng kwento at mga karakter, at wala pang isang linggo, nag-casting na sila at nag-taping na.

Sina Linggit Tan at Laurenti Dyogi raw ang nag-suggest sa kanya na bakit hindi kunin sina Marvin and Jolina at ang sagot daw niya agad-agad ay “why not?”

Ayon naman kay Jolina, perfect timing din daw talaga ang lahat dahil nagkataon, na nang ialok sa kanya ang proyekto ay tapos na ang kanyang kontrata sa GMA 7.

Nang sabihin sa kanya ang project ay na-excite siya at mas lalo pa raw siyang na-excite nang sabihing si Marvin ang makakasama niya.

Sa kasalukuyan ay nakapirma na si Jolens ng 2-years exclusive contract sa ABS-CBN at sana raw ay mabigyan din siya ng opportunity na makagawa ng movie sa Star Cinema.

Kuwento naman ni Marvin, isang araw ay nakatanggap daw siya ng tawag mula kay Linggit at tinatanong siya kung saang station siya ngayon.

“Sabi ko, wala kasi medyo busy ako ngayon, kakatapos lang (mag-shoot) ng Moron 5.2, medyo ang dami kong napabayaan sa negosyo.

“Sabi niya, “nak, kailangan nating mag-usap”. Sabi ko, “sige po, next week po puwede tayo mag-meet”. Sabi niya, “hindi, hindi puwede next week.” Sabi ko, “bakit po, Wednesday na ngayon”, sabi niya, “bukas, puwede ka? Kailangan tayong mag-meet bukas kasi next week, kailangan ka nang mag-shoot,” kwento ni Marvin.

Nagulat daw siya and to cut the story short, nag-set nga sila ng meeting the following day para nga ma-present  kay Marvin ang story ng Flordeliza.

“Then, I sat down with her, sabi ko, “kinakabahan ako tita Linggit sa ikukuwento mo”, then I fell in love with the story. And she told me that I might be working with Jolina,” kuwento ni Marvin.

Of course, sobrang excited daw siya na makasamang muli ang dating ka-loveteam bukod pa nga sa gusto niya ang materyal plus ang favorite director pa niyang si direk Wenn ang magdidirek.

MarJo na ang pangalan ngayon ng tambalang Marvin-Jolina, kaya natanong ang dalawa kung makikipagkumpetensiya ba sila sa KathNiel, JaDine, KImxi, NLex at iba pang sikat na loveteam sa ABS-CBN.

“Hindi ko magets ang tanong, pero kasi, ang nadagdag lang naman ngayon sa amin ni Marvin, ‘yung hashtag (#Marjo), eh. Dati naman, walang ganu’n.

“Pero hindi ko alam kung dapat pa kaming maki-ano sa kanila dahil iba ang market nila sa market namin ni Marvin. Lahat ng fans namin, may pamilya na rin ngayon.

“Pero ang nakakatuwa do’n, kinikilig pa rin ngayon (ang mga fans nila), kaya do’n kami thankful,” say ni Jolens.

Ang nakakatuwang hirit ni Marvin, finally raw ay may kissing scene na sila ni Jolens.

“Tuwang-tuwa ako do’n. Finally,” natatawang sabi ni Marvin.

Nang matanong si Jolens kung wala bang magiging problema sa asawa niyang si Mark Escueta kung may kissing scenes sila ni Marvin, hindi raw dahil naiintindihan naman daw ng mister niya na trabaho lang ito.

Magsisimula na ngayong November ang Flordeliza at baka raw sa primetime slot ito mapanood.

vuukle comment

DAW

FLORDELIZA

JOLENS

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

KUWENTO

MARVIN

SABI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with