^

Pang Movies

Natitirang contestant sa Amazing Race hindi na halos makakain!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Iniharap ng TV5 sa media ang naglalaban-laban ngayong walong teams sa The Amazing Race Philippines 2 (TARP2), hosted by Derek Ramsay na nasa fourth leg na ngayon. Sino kaya ang susunod na matatanggal sa natitirang teams, Dating Couple na sina Matthew Edwards at Phoebe Walker, Magkapatid na sina Jet at Yna Cruz, Nerds Vincent Yu at Ed Manguan, Chefs Eji Estillore at Roch Hernandez, Blondies na sina Tina at Avy Wells, Mag-amang AJ at Jody Saliba, Sexy Besties RR Enriquez at Jeck Malerhofer at Mr. Pogi Kelvin Engles at JP Duray.

Una naming kinausap ang team Mag-amang AJ at Jody, naging in­­te­­­­resado kami bakit pumayag si AJ, 51, isang businessman at eldest sa team while si Jody is 21, the youngest naman. Dapat daw ay ang girlfriend ni Jody ang ka-partner nito pero hindi pinayagan ng TARP 2 dahil 19 years old lamang ito. Ina­min ni AJ na mahirap talaga ang challenges, na hindi mo alam kung ano ang iu­­utos sa kanila, kaya sa four legs ng race, dalawang beses na niyang gustong mag-quit, bukod sa hirap, nami-miss na rin niya ang family niya, pero para kay Jody, sige pa rin siyang lumalaban.

Kulelat naman ang team Mr. Pogi na sina Kelvin at John Paul na 2012 Mr. Pogi finalists ng Eat Bulaga. Nang mag-audition sila at nakapasa, hindi raw nila alam na ganoon kahirap ang mga challenges na gagawin nila.  Kahit daw may leg money silang tinatanggap, nagtitiis pa rin silang biscuits at water lamang ang kinakain during the race, kasi mabigat at makapagpapabagal sa kanila kung kakain pa sila.  Sulit na rin sa kanila na kahit nahihirapan, nakakapunta naman sila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas nang libre. Hindi man sila manalo, artista na rin sila sa TV5 at nakagawa na ng isang episode sa Watt Pad Presents Almost A Cinderella.

 Anyways, ang team na mananalo ay tatanggap ng two house and lot from RCD Homes, two KIA Sportage SUVs at Php 2 million from PLDT Home Telpad.  Magtatapos ang TARP2 sa December, 2014. Napapanood ito daily at 9:00 p.m.

 

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

AVY WELLS

CHEFS EJI ESTILLORE

DATING COUPLE

DEREK RAMSAY

JODY

MR. POGI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with