^

Pang Movies

Hindi nagpahila pababa sa kanyang mga sex video Paolo ibinubuhos ang oras sa Puñeta Manila

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

“Nothing has changed.”

Ito ang bungad ng kontrobersyal na TV host na si Paolo Bediones nang makapanayam namin siya sa press conference ng The Amazing Race Philippines Season 2 sa Puñeta Manila in Mandaluyong City.

Sey pa ni Paolo na kung may pagbabago man sa buhay niya nitong mga nakaraang buwan dahil sa mga kumalat na sex videos niya, ito ay mas naging maingat na sa mga taong pagkakatiwalaan niya.

“I still have friends. Nandyan pa naman ‘yung mga taong alam kong sumusuporta sa atin.
“What happened to me was something na hindi na natin mababawi. We just need to learn from it.”

Naka-focus si Paolo sa kanyang restaurant business na itinayo niya with a few friends, and Puñeta Manila,  na ang specialty ay South American dishes.

“This is therapy for me.

“Dito ko na binuhos ang lahat ng energy ko. Instead na magalit tayo, negosyo ang harapin natin.

“Naisip namin ang business na ito even before the scandal happened.

“So matagal na nating iniisip ito. Nataon lang na may nangyari.

“The resto is doing good. Nag-soft opening na kami and everything is doing great.”

Abala rin si Paolo sa ilang shows niya sa TV5 na Rescue 5 at Demolisyon.

“I’m still blessed and that’s what I am thankful for.

“Whatever comes, I am very thankful for it.”

Eula kinilabutan kay Alden!

Noong napanood ni Eula Valdez si Alden Richards sa unang pelikula nito na The Road, bumilib na sa kakayahan nito bilang aktor dahil natakot si Eula sa character na ginampanan ni Alden sa naturang horror film.
“Mahilig kasi ako manood ng mga nakakatakot na mga pelikula. Tapos napanood ko nga ang The Road ni Direk Yam Laranas. Natakot ako doon sa isang character, binatilyo na hindi nagsasalita, tahimik pero pumapatay.

“Then nakatrabaho ko nga itong si Alden at kamukha niya yung nasa The Road. Tinanong ko siya kung siya ba ‘yon? Sabi niya, ‘Opo, bata pa po ako dun.’

“Sabi ko na ang galing niya sa movie. Kasi natakot ako sa character niya. Ibig sabihin effective siyang umarte kasi na-catch niya ang attention ko.

“Ang galing kasi noong pagkakaganap niya. Kaya okey siya. Magaling ang batang ito. Now, I’m working with him sa Ilustrado,” sey ni Eula.

Sa Ilustrado ay gumaganap si Eula bilang ina ni Jose Rizal na si Teodora Alonzo. Maganda nga raw ang chemistry nila ni Alden bilang mag-ina sa naturang bayaniserye ng GMA-7.

“Meron kaming isang eksena na medyo mabigat, pero wala kang maririnig kay Alden na kinakabahan siya. Kasi pinag-aaralan niya ng mabuti ‘yung mga eksena.

“Kapag take na, ang bilis. Kasi alam niya na ang mga mangyayari sa eksena namin.

“Nararamdaman ko at nakikita ko na seryoso siya at gusto niyang magtagal sa industriya. Gusto niyang magtagal talaga.”

Oprah hindi tinakbuhan ang nagulungan ng kanyang driver

Mabilis ngang kumilos ang Queen of Talk na si Oprah Winfrey nang may maipit ang kanyang driver sa gulong ng kanyang SUV.

Naipit nga sa gulong ng SUV ni Oprah ay si Lori Geller Bender. Ito ang kanyang kuwento:

“We were crossing the street to arrive at the restaurant, and there were a lot of cameras. I could see a big crowd of security guards, and as soon as Oprah got into the car, it pulled out from the curb, and a wheel went over my foot.

“I was wearing heels, my toe was trapped under the wheel and I fell to the ground, hitting my coccyx and my head.

“I am lucky because if the SUV had gone slightly further forward it would have crushed my whole ankle.”

Noong iatras nga ng driver ang SUV para matanggal ni Lori ang kanyang paa, biglang lumabas si Oprah sa SUV at nag-offer ito na dalhin sa ospital si Lori.

“Oprah jumped out. She couldn’t have been nicer and more gracious. She looked really shocked and asked me if I was OK, and took a good look at my foot.

“I wasn’t hurt, and I told her I was fine. Oprah said, ‘Well, that’s worth a picture,’ and she put her arm around me and we took some photos.

Nasa bucket list nga ni Lori ang ma-meet si Oprah in person, pero hindi niya inaasahan na sa gano’n sitwasyon pa niya makikilala si Oprah.

“It has always been on my bucket list to meet Oprah, but I could never have imagined it would be because her driver ran over my toe. It’s a crazy story.”

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

AMAZING RACE PHILIPPINES SEASON

EULA

KASI

NIYA

OPRAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with