^

Pang Movies

Di nakisimpatya si Ninang Oprah batung-bato ang mukha habang umiiyak si Charice

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sana nga, makatulong ang interbyu ni Oprah Winfrey para bumalik ang sigla ng singing career ni Charice.

Na-feel ni Charice at ng lahat ang pagtamlay ng kanyang career mula nang aminin niya ang pagiging tomboyita.

Ito nga ang reason kaya nasabi ni Charice na parang hindi ito binibigyan ng importansya sa sariling bansa na hindi naman totoo dahil sikat na sikat siya noong hindi pa niya inilalantad ang tunay na pagkatao.

Hindi rin nakatulong kay Charice ang maingay na maingay na pag-aaway nila noon ng kanyang ina dahil hindi ito boto sa girlfriend niya.

Hindi na sana nila isinapubliko ang kanilang tampuhan dahil  magkakasundo rin pala sila.

Paano ba nalaman ng publiko ang hidwaan nila? Sila rin ang may kagagawan dahil sa kanilang left and right na pagpapainterbyu.

Hindi ko pa napapanood ang interbyu ni Oprah kay Charice.

Narinig ko lang ang mga kuwento na napaiyak si Charice nang mapag-usapan ang kanyang ama na hindi niya tanggap noon.

May mga bitchy comment na hindi sila naluha o nakisimpatiya kay Charice. Parang wala lang ang kanilang pakiramdam habang pinanonood ang kuwentuhan portion nina Oprah at Charice dahil naging vocal ito noon sa pagsasabi na ayaw na niya na makita ang ama na pisikal na nanakit sa kanyang ina.

Pati ang reaksyon ni Oprah, napansin ng mga tao. Hindi raw nakitaan si Oprah ng simpatiya sa kanyang god daughter habang umiiyak ito.

Baka naman naging professional host lang si Oprah kaya iniwasan nito na magpakita ng emosyon. Sa rami ng mga nakausap ni Oprah na mga sikat na Hollywood star na inamin sa kanya ang pagiging tomboyita at baklita, malamang na hindi na siya na-shock sa ipinagtapat ni Charice.

Mula nang maging transgender si Rustom Padilla, hindi na masyadong nagugulat ang mga Pinoy sa mga artista na inaamin ang tunay na sexual pre­ference.

Shocking sa lahat ang revelation ni Rustom dahil naranasan niya na magpakasal at makipagrelasyon sa babae. Gumawa siya ng mga action movie at naging leading man ng mga sikat na aktres

Nang aminin ni Rustom na baklita siya, nasundan ito ng pagbibihis- babae niya at hindi na ito nahigitan ng rebelasyon ni Charice.

Nag-iisa lang si Rustom aka BB Gandanghari. Kung sinuman ang aktor na susunod sa kanyang mga yapak, second rate trying hard copycat na lamang sila.

Child actress TH na TH para maging sexy

Trying hard ang pagpa­paseksi ng isang dating child actress dahil hindi siya sexy.

Neneng-nene pa ang it­su­ra niya at hindi pa fully-developed ang katawan  kaya pinagtatawanan siya.

Feelingera ang tawag sa young actress dahil feel na feel nito ang pagdadalaga at pagpapaseksi.

Na-sight sa isang presscon kamakailan ang young actress. Naawa sa kanya ang mga reporter dahil trying hard na trying hard ­siya sa kanyang sexy dress na suot at makapal na make-up sa mukha.

                              

vuukle comment

CHARICE

DAHIL

NIYA

OPRAH

RUSTOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with