^

Pang Movies

Tigil muna sa pagbi-bake, Jennica abala sa pagpaparami ng mga pusa

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Naungkat ang pagpapakasal nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco dahil sa pagsasamahan nilang Wattpad Presents: Dyepni ng TV5. Pero kahit kasal na, ayaw pa munang magkaanak ni Jennica  at ni Alwyn na four years din naging steady bago ikasal. Enjoy daw muna silang dalawa sa buhay mag-asawa, gusto nilang four years pa bago sila magka-baby pero kung dumating ay welcome naman sa dalawa.

Itinigil din muna ni Jennica ang kanyang baking business para sa pet dogs at cats. Iba naman ang pinagkakaabalahan nito, ang pagpapalahi ng mga pusa na may iba’t ibang breed. Ito muna ang bagong pagkakaabalahan ng misis ni Alwyn bago siya mag-alaga ng baby kapag nagkaanak na sila.

Meron namang gagawing project si Jennica sa ABS-CBN na hindi naman daw porke may asawa na siya ay mas maraming bawal. Tulad sa GMA-7 kaya hindi siya ne-renew ng dating network. Alam naman ni Jennica ang limitations lalo’t misis na siya.

Ogie nakiki-bonding pa rin sa Bubble Gang

Kahit wala na si Ogie Alcasid sa Bubble Gang, madalas pa rin palang makasama ng tropa ng show ang singer/comedian sa paglalaro ng basketball tuwing Sunday, mula alas-siyete hanggang alas-nuebe ng umaga. Bale ba si Michael V ang nag-o-organize ng game tuwing Linggo na tinawag niyang Ball Gang.

Never naman nilang pinag-uusapan ang trabaho nila ni Ogie sa TV5. Pure bonding lang talaga ito ng grupo na madalas ay marami na ang nakikilaro. Magsisi-celebrate ng ika-19th Anniversary ang Bubble Gang sa Friday at wish ng cast na maging healthy sila.

Rita ayaw pa rin mag-ampon, marami naman daw manika, aso, at pusa sa kanilang bahay

Hanggang ngayon, wala pa ring balak si Rita Avila na mag-ampon. Iba raw siguro kasi ang feeling ng mga namatayan ng anak. Pero okey naman sa kanyang asawa na si Direk Erik “FM” Reyes na hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. At mas marami pa naman daw silang mas mabigat na problema kaysa sa kawalan nila ng anak. Saka marami namang ina­alagaang babies at bata si Rita sa mga orphanage na tinutulungan niya. Ang ibang bata na tinulungan niya ay nakapagtapos na ng college.  Ever since ayaw pag-usapan ni Rita ang kanyang pagtulong, pero ang asawa niyang si Direk Erik ang nagsabi na time na siguro para mag-reach out sila sa ibang couples na may parehong sitwasyon na pinagdaraanan nila ni Rita.

Meron naman daw silang pitong pusa at walong aso na inaalagaan sa bahay. Saka kuntento na sila sa anak-anakan nilang si Pony na bigay kay Direk Erik pagkatapos gamiting props sa series dati ni Shaina Magdayao. Ang isang manika pa ay si Popoy na nakatuwaang bilhin ni direk. Ngayon ay marami na silang manika dahil marami na ang nagreregalo sa kanilang mag-asawa.

Samantala, kahit pangatlong libro na ang naisulat at ibinibenta ngayon ni Rita na may title na Ang Hindi Nakikitang Pakpak, napupunta pa rin sa mga orphanage na tinulungan nito ang kita niya. Masaya siyang mas maraming bata pa ang natutulungan niya dahil dito.

vuukle comment

ALWYN

ALWYN UYTINGCO

ANG HINDI NAKIKITANG PAKPAK

BALL GANG

BUBBLE GANG

DIREK ERIK

JENNICA

JENNICA GARCIA

MERON

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with