^

Pang Movies

Pantapat sa 87-M daw na unexplained wealth Bong malaki ang kinita sa GMA, mga dokumento dinala sa korte

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Si Dra. Loi Ejercito ang kasabay ko na duma­law kina Senator Bong Revilla, Jr. At Senator Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center noong Miyerkules.

Napakasuwerte ni Papa Jinggoy sa pagkakaroon ng madir na gaya ni Dra. Loi dahil mapagmahal, mabait, at maasikaso ito.

Saksi ako sa personal na pag-aasikaso ni Dra. Loi sa kanyang panganay na anak at parang anak din ang trato niya kay Bong.

Regular na dumadalaw si Dra. Loi kay Papa Jing­goy at hindi siya nakakalimot na magdala ng mga paboritong pagkain ng kanyang anak.

Maaga na nagpahinga si Bong noong Miyerkules dahil maaga ang hearing kahapon sa Sandiganba­yan ng mga kaso laban sa kanya.

Kasama ni Bong sa Sandiganbayan ang kanyang supportive wife na si House Representative Lani Mercado.

Bitbit ni Bong at ng kanyang mga abogado ang mga ebidensya na magpapatunay na hindi totoo ang P87 million unexplained wealth na ibinibintang sa kanya.

Kasama sa mga ebidensya ang mga dokumento ng mga kinita niya bilang exclusive contract star ng GMA 7.

Sa tagal ni Bong na contract star ng Kapuso Network, normal lang na makapag-ipon siya ng pera. Hindi pa kabilang ang mga kinita niya bilang bida at producer ng kanyang mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival at  pinipilahan sa mga sinehan tuwing December.

Sandy Andolong nakalabas na ng hospital

Lumabas na ng ospital si Sandy Andolong dahil mabuti na ang kanyang kalagayan.

Ilang araw rin na na-confine si Sandy sa ospital at sa tulong ng doktor niya  at mga dasal ng mga nagmamahal sa kanya, back to her old self ang misis ni Christopher de Leon.

Solenn idinadawit pa rin sa problema ni Derek sa asawa

Hindi bago ang mga tanong kay Solenn Heussaff sa presscon kahapon ng Ilustrado, ang upcoming bayaniserye ng GMA 7.

Hindi na bago dahil sinagot na niya noon ang mga isyu tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Derek Ramsay.

Pilit na idinadawit ang pangalan ni Solenn sa gulo sa pagitan ni Derek at ng estranged wife nito na si Mary Christine Jolly.

Bukod sa ex-dyowa niya si Derek, hindi masyadong nagkuwento noon si Solenn tungkol sa kanilang nakaraan kaya hindi siya kasali sa concubinage case na isinampa laban sa aktor at sa ex-girlfriend nito na si Angelica Panganiban.

Nainterbyu ko si Solenn bago siya naging contestant noon ng Survivor Philippines at nabanggit niya ang past nila ni Derek pero hindi siya nagbigay ng detalye at blessing in disguise ito or else...

Kasalang Jennica at Alwyn hindi na nakakagulat

Walang nasorpresa sa admission nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco na secretly married na sila simula pa noong February 12, 2014.

Expected na ng mga kaibigan ng dalawa na hahantong sa pagpapakasal ang kanilang relasyon dahil in love na in love sila sa isa’t isa.

May permiso ni Jean Garcia ang pagpapakasal nina Alwyn at Jennica kaya naging sikreto lamang ito sa publiko.

Asahan natin na ang pagbubuntis ni Jennica ang next news dahil wala nang reason para itago nila ang kanilang pagsasama. Uytingco na ang ginagamit ni Jennica na apelyido bilang legal na misis na siya ni Alwyn.

                               

vuukle comment

ALWYN

DEREK

DRA

JENNICA

LOI

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with