^

Pang Movies

KC binabaha ng bulaklak at cupcakes sa hospital

Pang-masa

MANILA, Philippines - Binisita ni Gabby Concepcion ang anak na si KC na nasa ospital pa hanggang kahapon. Dengue ang sakit ng kanyang anak at proud na pinost ni KC ang pictures nilang mag-ama.

Sa mga Instagram post at tweets ni KC, bumabaha ng bulaklak at cupcakes sa room niya. Kaya naman  lahat ng food, fruits na binibigay sa kanya ay nilalantakan dahil atat na siyang lumabas ng ospital, huh! 

 

Rhian maligaya para kina marian at dingdong

Walang kaeklayan na sinabi ni Rhian Ramos na happy siya kay Marian Rivera sa nalalapit niyang pagpapakasal kay Dingdong Dantes. Luma na kasi ‘yung naging isyu sa kanila dahil nagkausap na sila tungkol doon.

“It’s a big decision. I am happy for her. Kasi if you’re an ambitious girl, at the back of your mind, gusto mo pa ring magkaasawa and have kids. You wanna settle down. If I get the chance to see and talk with her, I will congratulate her!” pahayag ni Rhian nang pasyalan namin sa taping ng My Destiny sa Biñan, Laguna.

Eh pagdating naman sa kanya, wala pa raw sa balak niya ang mag-asawa. Wala rin naman kasi siyang boyfriend after KC Montero.

“Dati, I wanna marry at twenty seven. Pero ngayon, umurong na nang umurong! Ha! Ha! Ha! Eh, ‘pag may nanliligaw sa akin at hindi ko naman type, basted agad nang hindi na tumagal pa!  Ha! Ha! Ha!” lahad pa ng aktres.

Although wala na silang kumonikasyon masyado ni KC, alam din niyang may girlfriend na ito. ‘Yun nga lang tuloy pa rin ang business nila kung saan silent investor lang ang drama niya.

Sa pagtatapos ng MD this week, mami-miss niya ang pagiging good vibes na aura ni Carla Abellana.

“Kasi ‘pag dumarating si Carla sa set, sabay kaming nagmi-makeup. Siya, smile lang nang smile while listening to the music. Ang lakas niyang makabigay ng good vibes,” rason ng aktres.

Eh si Tom Rodriguez?

“Si Tom naman is very considerate. He always checks on you. Bigay nang bigay ng info  ‘pag may tanong ako. Masaya siyang ka-bonding!” pagmamalaki ni Rhian sa co-stars niya.

Ayon naman kay Rhian pagdating sa show, may malaki raw siyang pasabog pagdating sa ending!

Direk Joey mas takot sa buhay kesa sa patay

Hindi matatakutin si Direk Joey Reyes sa multo. Ayon sa kanya, mas nakakatakot ang mga buhay kesa sa mga patay!

Sa questions na sinagutan ni Direk Joey na director ng horror movie na Dilim, wala naman siyang mga karanasan sa ghost nu’ng sinu-shoot ang movie. Pero ang kanyang cameraman at assistant director ang nakaranas.

“Nasa fourth floor kami ng dorm na set namin. Sa common bathroom ang eksenang kukunan. Habang nagsi-set up, meron silang napansin na babaeng parang dumaan sa bintana! Siyempre dedma lang sila.

“Eh, wala namang ledge kaming nakita upang makatuntong ‘yung sinasabi nila, huh! Pero ako, hindi naman kahit na nga avid fan ako ni Stephen King,” sabi ni Direk Joey.

Ngayon lang uli gumawa ng horror film si Direk Joey. Ilan sa nagawa niya ay ang Malikmata,  Spirit of the Glass, Kutob, at Matakot  Ka Sa Karma.

Bida sa Dilim sina Kylie Padilla at Rayver Cruz.

vuukle comment

AYON

CARLA ABELLANA

DILIM

DIREK JOEY

NAMAN

PERO

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with