^

Pang Movies

Derek at Angelica kinasuhan ng pakikiapid ni Mary Christine Jolly

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi pa matatapos ang legal battle sa pagitan ni Derek Ramsay at ng kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly.

Nagsadya kahapon si Jolly sa  Parañaque City Prosecutors Office dahil sinampahan niya ng concubinage case si Derek at ang ex-girlfriend nito na si Angelica Panganiban.

Ang interbyu kay Angelica noong April 2013 ang ga­gamitin ni Jolly na ebidensya. Sinabi umano ni Angelica sa naturang interbyu na nag-live in sila ni Derek sa bahay nito sa Parañaque City sa loob ng limang taon.

Matagal nang hiwalay sina Derek at Angelica. Maligaya na ngayon si Angelica sa piling ni John Lloyd Cruz pero idinadamay pa rin siya sa court case ng kanyang ex-boyfriend at ng estranged wife nito.

Mabilis na kumalat kahapon ang pagdedemanda na gagawin ni Jolly dahil sa media advisory na lumabas kahapon na “Mrs. Mary Ramsay will file concubinage charges vs Derek and Angelica Panganiban at 2:30 pm at Parañaque Prosec office.”

Nanggaling ang advisory mula kay Atty. Argee Guevarra, ang legal counsel ni Jolly.

Take note, Mrs. Mary Ramsay ang ginamit ni Atty. Guevarra, meaning, si Jolly pa rin ang legal wife ni Derek.

Inaabangan ng lahat ang reaksyon at sagot ni Derek tungkol sa bagong kaso na isinampa ni Jolly laban sa kanya. Knowing Derek, may ready answer ito sa bagong pagsubok na dumating sa buhay niya.

Siyempre, waiting din ang lahat sa official statement ni Angelica na biglang nagulo ang tahimik na buhay.

Idinadawit din sa problema nina Jolly at Derek si Solenn Heussaff na umapela na huwag na siyang isali dahil matagal na silang hiwalay ng aktor. Idinagdag pa ni Solenn na 17-years old pa lamang siya nang maging boyfriend niya si Derek.

Direk Wenn na-move on na kay DJ

Like na like ng mga reporter na interbyuhin ang direktor na si Wenn Deramas dahil hindi uso sa kanya ang off-the record na sagot.

Hindi ako nagkamali sa hula ko na tatanungin si Wenn ng mga reporter tungkol sa nakaraan nila ni DJ Durano bilang magkasama sila sa Moron 5.2 The Transformation, ang coming soon movie ng Viva Films.

 Walang kiyeme na sumagot si Wenn na naka-move on na ito mula nang maghiwalay sila ni DJ at may new dyowa na siya.

Habang sinasagot ni Wenn ang mga tanong tungkol sa kanyang ex-dyowa, nasa same place rin si DJ na walang kamalay-malay na siya ang topic.

Lumikha ng ingay ang revelation noon ni Wenn na tuma­gal ng sampung taon ang relasyon nila ni DJ.

Nag-try ang mga reporter na marinig ang panig at explanation ni DJ pero dinedma nito ang mga text message at tawag sa kanya.

 Nawala si DJ sa mga project ni Wenn dahil sa kanilang break up pero hindi nagtagal, nagkasundo sila at best of friends na ngayon.

I’m sure, umiral ang malalim na pinagsamahan nina Wenn at DJ kaya tinapos nila ang estrangement nila sa isa’t isa. Sigurado naman na mas marami sila na good memories kesa bad ‘di ba?

Obvious na secretive na tao si DJ dahil hindi ito nagkukuwento tungkol sa kanyang personal na buhay.

Hindi siya katulad ni Wenn na walang itinatago kaya open book sa publiko ang kanyang buhay.

Nagagawa pa nga ni Wenn na pagtawanan ang kanyang mga pagkakamali.

vuukle comment

ANGELICA

ANGELICA PANGANIBAN

ARGEE GUEVARRA

DEREK

JOLLY

MRS. MARY RAMSAY

WENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with