^

Pang Movies

Nova nalaman kung ano ang pagmamahal kay Tia Pusit

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Si Nova Villa nga ang punong-abala sa burol ng kanyang yumaong kapatid na si Tia Pusit sa St. Peter’s Memorial Chapel sa Quezon Avenue. Siya at ang mister niyang si Freddie ang nag-aayos ng mga bulaklak at panay ang tingin niya sa kanyang kapatid na maganda ang pagkakaayos at mukhang natutulog lang.

Nadatnan nga naming maraming nakikiramay sa pamilya ni Tia Pusit at handa naman silang harapin at asikasuhin ni Tita Nova at ng kanilang mga kamag-anak.

Nang saglit naming makausap si Tita Nova, sinabi nito na tanggap na niya ang lahat na nangyari. Noong una raw ay hindi siya makapaniwala na wala na ang kanyang kapatid na madalas niyang mapagsabihan. Ngayon daw ay nasa Panginoon na ito.

Matagal na ngang usap-usapan sa showbiz ang hindi nila pagkakasundo ni Tia Pusit. Tuwing may kontrobersya ngang kinakaharap si Tia Pusit, si Tita Nova ang laging tinatanong tungkol dito at duma­ting na nga raw sa puntong nagsawa na si Tita Nova na pagsabihan ang kanyang kapatid na magpakatino.

“Hindi kami nag-aaway, pero kapag nagkikita kami, gagawin niya, there was a time na she embraced me, ‘Ate, sorry…’ sabi niya. She didn’t hear anything from me, because hindi ako palatanim, eh.

“Kung anumang problem ang dumating sa buhay niya, ke ito ay pagsubok na malaki, tumatayo siyang mag-isa. Parang pinu-prove na lang niya sa amin na kaya ko ‘to.”

Hindi nga pumalya si Tita Nova sa pag-asikaso kay Tia Pusit noong naospital ito.

“Every time I go there sa ospital, every other day, ako ang nagpapakain sa kanya. Kapag aalis na ako, nakatingin sa akin, makulamlam ang mata. ‘Love you, Meng, love you.’ ‘Love you, ‘te.’

“Tumutulo ‘yung luha ko. Now I know what love is. Hanggang sa huling sandali, ‘yun ang naibaon ni Meng, especially sa aming dalawa,” pagtatapos pa ni Tita Nova.

Blake Lively buntis na sa kanyang ‘best friend’!

Confirmed ngang buntis na ang Hollywood actress na si Blake Lively. Ito ang first baby nila ng kanyang mister, ang Hollywood hunk na si Ryan Reynolds.

Sa lifestyle website nga ni Blake, ipinakita na niya ang kanyang “baby bump”. Patunay lang na magiging isang ina na ang star ng TV series na Gossip Girl.

Ikinasal sina Blake at Ryan noong 2012 pagkatapos silang magkakilala sa set ng pelikulang The Green Lantern in 2011. That time ay divorced na si Ryan sa kanyang misis, ang Hollywood actress na si Scarlett Johansson.

Si Blake naman ay katatapos lang ang kanyang short-lived romance with Leonardo DiCaprio.

Ikinasal nga sina Blake at Ryan sa Boone Hall Plantation in Mount Pleaseant, South Carolina. At tulad nga ng kanilang very private wedding, naging private din ang pagbubuntis ni Blake hanggang sa hindi na niya ito maitago sa publiko.

Ang magkaroon ng pamilya ang matagal nang gusto ng mag-asawa. Ang kanilang pagsasama raw ay more than just husband and wife. Best friends daw sila.

“We’ve never gone a week without seeing each other. There’s no major decision that I make without him. The best part is when we turn off our phones and just talk and hang out. He’s my best, best friend. What do you do with your best friend? You do nothing.”

vuukle comment

BLAKE

BLAKE LIVELY

BOONE HALL PLANTATION

GOSSIP GIRL

KANYANG

NIYA

RYAN

TIA PUSIT

TITA NOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with