^

Pang Movies

Megan hindi pa makawala sa Miss World

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bongga si 2014 Miss World Megan Young dahil extended ang reign niya hanggang sa December, 2015.  Direk Louie Ignacio confirmed the news na nagustuhan ng Miss World Organization ang trabaho ni Megan kaya in-extend pa ng another year ang reign niya. Nakausap namin sa GMA Network si Direk Louie na kababalik lamang for the swimsuit pictorial nila sa Caramoan, Camarines Sur for the coming Miss World Philippines competition next month. 

When asked for the news na mai-extend nga ang reign ni Megan until December, 2015, totoo raw, pero tuloy pa rin ang Miss World Philippines at ang Miss World beauty pageant sa December. Kaya bale dalawa ang magiging reigning Miss World for 2015.  So, take a back seat, again, Mikael Daez!

Dahil kina Isabel at John, Chynna naniniwala na sa true love

Happy ang ending ng Dading na nasa last two weeks na lamang until October 10. Ayon kay Chynna Ortaleza tama raw lamang ang magiging kaganapan sa bawat character nila nina Gabby Eigenmann, Glaiza de Castro, at Benjamin Alves hanggang sa pagtatapos nila, kaya sana raw ay huwag nang bitiwan ang story nila na napapanood after ng The Half-Sisters sa GMA-7. Tulad din daw ito ng happiness nilang mga close friends ng newly engaged couple na sina John Prats at Isabel Oli. Natuwa siya dahil bago siya umalis for her birthday treat sa sarili niya to explore Japan, sinabi na sa kanila ni John ang plano nitong marriage proposal kay Isabel. Ang hirap daw na magpigil magsalita, at least nang nasa Japan na siya, hindi raw niya tinawagan si Olivia (Isabel).

Hindi naman daw siya nalungkot na wala siyang boyfriend ngayon na pwedeng mag-propose ng kasal sa kanya. Pero naniniwala na siya ngayon na talaga palang may true love, at one day you will find the right guy for you. Hindi naman lihim na maraming naging girlfriends si John at boyfriends si Isabel, at ngayon magpapakasal na sila.

Marian tuloy ang pagtulong sa mga naghihirap

Sa kabila ng busy schedules ni Marian Rivera, hindi niya binibitiwan ang kanyang advocacy, ang pagiging campaign ambassador ng Kapuso Adopt-A Bangka Project. Mamayang 6:00 p.m., for the first time sa SM City Clark, Pampanga gagawin ni Marian ang Kapuso Fans Day with best friend Boobay as the host, pero magkakaroon muna siya ng auction ng kanyang mga pre-loved garments sa Lewis Grand Hotel.

Bale ito na ang huling paghingi nila ng donations sa mga partners nila sa proyekto na nakapagbigay na sila ng more than 300 bancas at mga fishing equipments sa mga pamilya ng mga mangingisda sa Bantayan Island na nasalanta ng bagyong Yolanda last year. 

 

vuukle comment

BANTAYAN ISLAND

BENJAMIN ALVES

CAMARINES SUR

CHYNNA ORTALEZA

CITY CLARK

DIREK LOUIE

DIREK LOUIE IGNACIO

MISS WORLD

MISS WORLD PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with