^

Pang Movies

Mga kinita noon, walang natira dating sexy star na pinalayas ng BF sa condo, kinupkop ng kaibigang drama actress

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kaawa-awa pala ang situwasyon ng dating sexy star na ito dahil nakikitira na lang pala siya sa isang kaibigan na isang drama actress.

Ayon sa kuwento ng aming source, simula noong maghiwalay daw ang dating sexy star at ang ka-live-in nitong sexy actor, napariwara na raw ito at walang matirhan.

Mabuti na lang at nagawa niyang tawagan ang kanyang kaibigan na drama actress at binukas nito agad ang pintuan ng kanyang tahanan.

Wala naman daw kasing kasama si drama actress sa kanyang bahay kaya welcome ang kanyang kaibigan na nangangailangan ng matitirhan.

Sobrang awang-awa sa sarili niya ang dating sexy star dahil ang laki ng panghihinayang niya sa mga pinakawalan niyang mga pagkakataon dahil sa pagmamahal niya sa sexy actor.

Inakala niya na true love na iyon at forever na silang magsasama. Pero hindi pala at ang ending siya pa ang nalugi dahil siya ang pinaalis sa tinitirhan nilang condo unit.

 “Nakakapagtaka lang ay saan napunta ang mga kinita niya noong kasikatan niya? Eh sunud-sunod ang mga pelikula niya noon. At balita ko nagkaroon pa ito ng negosyo sa probinsiya. Saan na napunta mga pera niya?” tanong pa ng source namin.

Mabuti na lang daw at ang kaibigan niyang drama actress ay naging masinop sa kanyang mga kinikita noon kaya wala itong naging problema noong hiwalayan siya ng kanyang dating madatung na boyfriend.

Naging wise nga siya sa paghawak ng kanyang pera dahil alam niyang hindi forever ang pagiging artista.

Ngayon ay tinutulungan niyang makabangon ulit ang kaibigan niyang dating sexy star. Gusto niyang makapagsimula ulit ito para maipakita nito sa ex-bf nito na nabuhay siya kahit naghiwalay sila.

Obra ni Lav Diaz isasabong sa Oscars

Ang critically-acclaimed film ni Lav Diaz na Norte, Hangganan Ng Kasaysayan (Norte, The End of History) ang napili para ipadala sa Best Foreign Language Film category sa 87th Academy Awards or the Oscars.

Kinumpirma nga ng director-general ng Film Academy of the Philippines na si Leo Martinez ang pagkakapili ng special committee sa four-hour film ni Diaz noong Miyerkules, September 24.

Binubuo nga ang special committee nila Robert Arevalo, Laurice Guillen, Jun Urbano, William Mayo, Joe Carreon, Gina Alajar, at Jess Navarro.

 “We made the announcement to finally end all speculations,” sey pa  ni Martinez.

Ang producer nga ng Norte na si Moira Lang (Raymond Lee) ay pinost na sa kanyang Facebook page ang pagkakapili ng pelikula nila. Pinost nga niya ang #oscars.

Mula sa panulat nila Lav Diaz at Rody Vera, tampok sa Norte ay sila Sid Lucero, Archie Alemania, Angeli Bayani, Mailes Kanapi, Soliman Cruz, Hazel Orencio, at Mae Paner.

Ang epic film nga ni Diaz ay ang “most celebrated Filipino film” noong nakaraang taon.

Nag-world premiere ito sa Cannes International Film Festival at nakatanggap ng rave reviews mula sa New York Times, The Guardian, Film Comment at iba pa.

Napapasama ito sa ilang listahan of Best Films of 2014 kaya ito ang napili ng FAP dahil nakarating na ito sa ilang international film festivals tulad ng Cannes, Toronto International Film Festival, New York Film Festival, San Diego Asian Film Festival, Nuremberg International Human Rights Film Festival, International Cinephile Society Awards at Cinemanila International Film Festival kunsaan nanalo si Diaz bilang Best Director.

Dito sa Pilipinas, napanalunan nito ang Best Picture, Best Actress, Best Screenplay, at Best Cinematography mula sa Gawad Urian Awards ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Kelan lang ay nagkaroon ng two-week theatrical run sa selected commercial cinemas ang Norte last September 10.

Ang official announcement ng mga magiging finalists sa Best Foreign Language film category ng 87th Academy Awards ay sa January 2015.

vuukle comment

ACADEMY AWARDS

ANGELI BAYANI

BEST

DIAZ

FILM

KANYANG

LAV DIAZ

NIYA

NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with