^

Pang Movies

Kung ayaw masira ang career, Daniel dapat maging maingat

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang hindi nagiging maingat itong si Daniel Padilla sa kanyang mga time out kasama ang kanyang mga “kaibigan”. Noong una, sinasabing kaibigan din niya ang naglabas ng kanyang mga pictures na kuha pa noong araw kung saan may hawak pa siyang bote ng beer. Medyo nakasama iyan sa kanyang wholesome image. Ngayon naman may “kaibigan” din siyang nag-record at nag-upload pa ng kanilang mga kuwentuhan sa Internet. Sinasabi ni Daniel sa nasabing audio recording na hindi ganoon talaga ang relasyon nila ng kanyang ka-love team na si Kathryn Bernardo, at nababanggit pa si Jasmine Curtis-Smith sa nasabing audio recording.

Ang palagay ng iba, scandalous ang nasabing recor­ding, at ngayon inamin na ni Daniel na siya nga iyon at isang “kaibigan niya” ang gumawa noon. Nai-record nang hindi niya alam, at nai-upload nga sa Internet at kumalat. Aba naman, kung hindi magiging maingat si Daniel, baka sa susunod mas grabe pa riyan ang kumalat.

Iyang mga ganyang klase ng usapan ay sinasabi ngang nangyayari lang naman kung may kulitan, o kung may nagaganap na inuman. At hindi natin mai-aalis sa mga taong magkaroon ng mga ganyang ispekulasyon. Kasi hindi naman karaniwang napag-uusapan ang mga ganoong bagay kung kulitan lang eh. Iyang mga ganyang usapan, lumalabas lang kung medyo malagihay na ang mga nagkukuwentuhan.

Palagay namin, hindi rin sapat ang excuse ni Daniel na “lalaki kasi ako”. Ang punto roon, mukhang nakakalimutan niya na artista siya, at natural lahat ng klase ng tsismis, lalabas. Kung hindi siya magiging maingat, baka maapektuhan din ang kanyang image at ang kasunod niyan, maaaring lumamig na ang kanyang popularidad.

Christian songs nina Lilet at Cesar nakasali sa ASOP

Kabilang sina Rachelle Alejandro, Bo Cerrudo, Bayang Barrios at iba pang mga sikat na singers ang siyang naging interpreter ng mga Christian songs na kasali sa A Song of Praise finals kagabi sa big dome. Ang ASOP na hosted ng singer ding si Richard Reynoso ay napapanood sa UNTV 37.

Isa iyong contest sa paglikha ng mga Christian music, at bahagi nga ng advocacy ng UNTV.

Sa pagkakataong ito, kabilang sa mga composers na gumawa ng mga kantang umabot sa finals ay ang dating singer na si Lilet, at ang actor na si Cesar Montano.

Gaya nang inaasahan, punung-puno ang big dome dahil sa ginanap na finals ng ASOP. Bukod sa libreng entrance sa big dome, iyong CD ng mga kantang kasali rin sa ASOP ay ipinamigay nila nang libre, bilang bahagi nga ng kanilang effort ng pagpapakalat ng Christian music sa ating bansa.

Tutal hindi naman na active sa showbiz,  Ara tama lang na magkapamilya na

Babae raw ang magiging anak ng aktres na si Ara Mina, na magsisilang na ng sanggol nila ng kanyang boyfriend na si Bulacan Mayor Patrick Meneses. Siguro nga ok na rin namang magka-anak na siya, tutal hindi naman siya masyadong active ngayon sa show business at mukhang napapanahon na rin naman para magkaroon siya ng sarili niyang pamilya.

vuukle comment

A SONG OF PRAISE

ARA MINA

BAYANG BARRIOS

BO CERRUDO

BULACAN MAYOR PATRICK MENESES

CESAR MONTANO

IYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with