^

Pang Movies

Acrobats mas magaling kesa sa mga nag-model ng panty at bra, Daniel pinakatinilian kahit hindi naghubad!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Na-postpone ng isang araw dahil sa dalang baha ng bagyong Mario, pero punung-puno pa rin ang MOA Arena nang matuloy ang The Naked Truth, The Bench Denim and Underwear Show. Maaga pa lang ay halos puno na ang Arena, at kung iisipin, napakaaga ng show na iyon na nagsimula ng 6:30 ng hapon.

Matagal na kaming hindi nakakapanood ng show ng Bench na kagaya niyan. Natatandaan namin nakakapanood lang kami niyan noong madalas ay kinukumbida kami ng aming kaibigang si Douglas Quijano, na yumao na rin, para mapanood daw namin ang kanyang mga talent. At napansin nga namin ang malaking kaibahan. Noon, parang mas maraming big stars na kasali sa fashion show ng Bench na laging pinangungunahan ni Richard Gomez. Noong isang gabi, nasa audience lang si Goma. Noon din, parang mas malalaki ang pangalan ng mga model na kasali sa show, ngayon parang mas maraming baguhan at mga foreigners.

Pero impressed kami sa production nila. Napakahusay ng mga acrobats na nag-perform. Background lang sila kung tutuusin sa fashion show na iyon, pero hindi maikakailang marami silang naagawan ng pansin dahil sa kanilang nakakagulat na mga stunts. Dayuhan din ang mga acrobats, at magagaling sila talaga. In fact, iyon lamang mga acrobats na iyon, isang show na kung iisipin.

Doon sa show, kapansin-pansin kung sinong mga artista ang sikat, at kung sino ang nawalan na ng sikat, ganoon din ang hindi magiging sikat.

Malakas ang hiyawan ng mga tao nang lumabas si Coco Martin, kahit na naka-suot siya ng denim at hindi rumampang naka-underwear kagaya ng iba. Matindi rin ang reaksiyon ng mga tao kay Daniel Padilla at sa kanyang ka-love team na si Kathryn Bernardo. Nakatawag din ng pansin si Kim Chiu.

Dinig na dinig namin ang usapan ng mga babaeng nakaupo sa likod namin na inaabangan si Markki Stroem, pero mukhang disappointed sila nang lumabas si Markki na bagama’t sexy naman sa kanyang suot na underwear, mukhang mas matindi ang inaasahan nila.

Ang bulungan nga rin doon sa tabi namin, mukhang may nakangiti nang matindi nang napakalakas na palakpakan ang sumalubong kina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, habang hindi naman ganoon kalakas ang pa­lakpakan sa isang female star na walang dudang hindi na nga ganoong sikat ngayon. Ngayon lang daw kasi pumayag si Dennis na rumampa nang underwear lang ang suot, at nanukso pa si Tom Rodriguez na bahagyang ibinaba ang kanyang suot na underwear. Aba napakalakas na sigawan sa Arena ang kasunod noon.

Awang-awa kami sa isang female star na akala mo sikat sa rami ng teleserye. Pero doon sa Arena parang hindi nakilala ng mga tao at hindi pinalakpakan. Mas lalo namang kawawa ang isang trying hard na male star, nag-tumbling na at lahat, wala kahit na isang palakpak yata kaming narinig. Ganoon din iyong isa pang male star na nasabit sa controversy kamakailan lang, walang pumalakpak. Parang ni hindi nakilala ng audience.

Parang kawawa rin naman iyong mga stars na dati paglabas pa lamang sinasalubong na ng malakas na palakpakan, tapos ngayon halata mong parang ayaw na sa kanila ng bagong henerasyon. Iba na ang mga matinee idols na tinitilian. Talagang naagaw na ni Daniel Padilla ang audience, siya na ngayon ang bagong matinee idol.

Pero ang talagang impressive para sa amin, iyong mga acrobats.

 

vuukle comment

BENCH DENIM AND UNDERWEAR SHOW

COCO MARTIN

DANIEL PADILLA

DENNIS TRILLO

DOUGLAS QUIJANO

PERO

SHOW

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with