^

Pang Movies

Derek at dating asawa pinag-usap na lang ng prosecutor, mga abogado initsapwera muna

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kahit tinakpan ang mukha ng bagets sa mga picture at mga kuha ng TV crew, obvious na cute si Austin, ang 11-year-old son ni Derek Ramsay sa former model na si Mary Christine Jolly, ang estranged wife niya na nagdemanda sa kanya ng Republic Act 9262 na mas kilala bilang Violence Against Women and their Children.

Pormal si Austin sa black pants and coat na suot niya. Hindi puwedeng i-deny na anak siya ni Derek dahil pareho ang kanilang mga kilos at porma.

Kasama ni Mary Christine Jolly si Austin sa preliminary investigation ng demanda niya laban kay Derek.

 ‘Yun nga lang, nangyari ang pag-uusap ng magkabilang kampo sa opisina ng prosecutor na may hawak ng kaso. Hindi kasali sa meeting nina Derek at Mary Christine ang kanilang mga abogado. Lalong hindi pinayagan ang mga reporter na makapasok kaya clueless ang lahat sa mga napag-usapan ng ex-couple.

Dahil nakatutok ang mga reporter, nakita nila ang paglabas at pag-alis ni Austin sa prosecutors office. Mabilis na kumalat ang balita na umiiyak ang bagets nang lumabas ito at naiwan sa loob ang kanyang mga magulang.

Ang mga bata ang kawaawa kapag may mga legal battle ang kanilang mga nanay at tatay. I-wish natin na huwag maapektuhan si Austin ng mga problema ng kanyang mga magulang na humantong sa korte. Napakabata pa niya para maintindihan ang mga nangyayari.

Vhong may takot nang lumipad pa-Canada

Sina Kim Atienza at Jhong Hilario ang mga kasama ni Vhong Navarro nang lumipad ito sa Canada noong Miyerkules para sa kanilang show sa Filipino community.

Bumiyahe si Vhong na may pag-aalala dahil lumaya na sina Cedric Lee, Zimmer Raz, at Deniece Cornejo.

Understandable ang pakiramdam ni Vhong dahil bumalik uli ang trauma niya na bunga ng mga nangyari noong gabi ng Jan­uary 22, 2014 sa condominium unit na ni­rerentahan ni Deniece.

Habang wala si Vhong, ang kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga ang naghahanda ng mga motion na isasampa nila sa korte, kabilang ang Motion to Inhibit para kay Judge Paz Esperanza Cortes ng Taguig Regional Court.

Sa isang interbyu kay Atty. Mallonga, sinabi nito na “We need to inhibit the judge. By her law there is no serious illegal detention.”

Amazing Race ni Derek eere na

Malapit na ang presscon ng Season 2 ng The Amazing Race Philippines. Ipakikilala na ng TV5 ang mga contestant na sinuwerte na makapasa sa ginanap noon na nationwide auditions. Ready for airing na ang The Amazing Race Philippines dahil nakunan na ang lahat ng mga challenge.

Si Derek Ramsay ang host ng nagbabalik–telebis­yon na reality show ng TV5.

Imposibleng hindi tanungin si Derek ng mga reporter tungkol sa court case nila ng kanyang estranged wife.

Puwedeng hindi sagutin ni Derek ang mga personal question dahil madaling kausap ang entertainment press, lalupa’t alam nila na nasa korte na ang kaso.

Hiniram na alaala ni Dennis kay Rocco mabubuking na

Joseph Corpuz ang name ni Rocco Nacino sa Hiram na Alaala, ang primetime teleserye ng GMA 7 na magsisimula sa Lunes, September 22.

Isang PMA graduate si Joseph na biglang nag-disappearing act matapos mahuli ng mga rebelde. Iikot sa pagkawala ni Joseph ang complicated story ng Hiram na Alaala. Ang karakter ni Dennis Trillo na si Ivan ang manghihiram sa alaala ni Joseph.

 

vuukle comment

ALAALA

ALMA MALLONGA

AMAZING RACE

AMAZING RACE PHILIPPINES

CEDRIC LEE

DEREK

MARY CHRISTINE JOLLY

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with