^

Pang Movies

Nagkapag-asa kina Deniece at Cedric, Janet Napoles susunod na raw na lalaya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

All over the news ang lola ni Deniece Cornejo na si Florencia na masigasig sa pagpapainterbyu.

Nasa Cloud 9 ang lola ni Deniece dahil malapit nang makalaya ang kanyang apo, once na makapagpiyansa ang dalaga ng kalahating milyong piso.

Halos apat na buwan din na nagdusa sa loob ng bilangguan si Deniece na kusang sumuko noon sa PNP Headquarters sa Camp Crame.

Hindi naranasan ni Deniece na makulong sa Taguig City Jail dahil hindi pa siya naililipat nang lumabas ang desisyon ni Judge Paz Esperanza Cortes na puwedeng magpiyansa ang grupo nila ni Cedric Lee para sa kanilang temporary freedom.

Nauna nang lumaya kahapon sina Cedric at Zimmer Raz.

Napanood ko sa mga news program ang footage ng paglaya ng dala­wa na bakas na bakas sa  mga mukha ang sobrang kaligayahan.

I’m sure, aware na aware ang dalawa na mara­ming tao ang naga­galit dahil nakalaya sila pero tiyak na hindi magpapaapekto sina Cedric at Zimmer. Mas mahalaga na nakalabas na sila mula sa  kulungan.

Ang paglaya ng dalawa ang nagbi­gay ng hope sa mga supporter ng businessman na si Janet Napoles na nakakulong din sa Taguig City Jail dahil sa kaso ng serious illegal detention. Kung nakalaya raw sina Lee at Raz, may possibility rin na makalabas ng kulungan si Napoles.

Don’t lose the money ni Tom nakakaaliw ang mechanics

Pinilit ako na maglaro sa Don’t Lose The Money sa presscon nito kahapon pero hindi ako nakumbinsi kahit malaki ang ipinapangako na premyo.

Hindi ko pinangarap na maglagay ng chopstick sa bibig ko para makuha ang mga datung na ililipat sa ibang puwesto.

Mas pipiliin ko na harbatan ng datung si Tom Rodriguez kesa magpakahirap ako.

In fairness, nakakaaliw ang mechanics ng Don’t Lose The Money at talagang bongga ang cash prizes. ‘Yun nga lang, ayoko nang nakikipagkarera o nakakaramdam ng tension para mag-win ng premyo. Dusa ‘yon para sa mga katulad ko na nanghaharbat ng diretsahan.

Mga rarampa sa sexy show hindi na kumakain

Sorry sa mga nanghihingi ng complimentary tickets para sa sexy fashion show ng Bench sa September 19 dahil wala talaga akong maibibigay.

Kung gusto ninyo na mapanood ang sexy show ng Bench, sundin n’yo na lang ang mechanics sa pamamagitan ng pagbili ng mga produkto sa mga tindahan ni Ben Chan.

Nagsimula na ang rehearsals ng mga artista na rarampa sa Bench sa darating na Biyernes. Hindi na sila kumakain para maging physically fit.

Confirmed naman na rarampa sa Bench fashion show ang Hiram Na Alaala stars na sina Dennis Trillo at Rocco Nacino.

Kinarir ni Rocco ang pagpapapayat dahil malaki ang nabawas sa kanyang timbang. Ganado si Rocco sa pagpunta sa gym dahil magkasama sila ng kanyang girlfriend na si Lovi Poe.

Sa kabila ng kanilang mga busy schedule, may time para mag-gym together sina Rocco at Lovi na in love sa isa’t isa.

vuukle comment

BEN CHAN

CAMP CRAME

CEDRIC

CEDRIC LEE

DENIECE

LOSE THE MONEY

ROCCO

TAGUIG CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with