^

Pang Movies

Sa tindi ng pagmamahal, Rocco naghahanap ng lilipatang bahay na malapit kay Lovi

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Feeling guilty ako dahil hindi ako nakapunta noon sa imbitasyon ng aking bestfriend Bibsy Carballo, ang special preview ng Ibong Adarna, ang pelikula ng direktor na si Jun Urbano.

Susuportahan ko na lang ang Ibong Adarna na mapapanood sa mga sinehan sa October 1.

Kumita sana ang pelikula dahil matino ang pagkakagawa nito kaya may dahilan para maging proud si Papa Jun aka Mr. Shooli.

Nalungkot si Papa Jun nang hindi makasali sa Metro Manila Film Festival noong 2013 ang Ibong Adarna dahil alam niya na maganda ang kanyang project na milyung-milyong piso ang budget.

Starring sa Ibong Adarna si Rocco Nacino. Hindi pa girlfriend ni Rocco si Lovi Poe nang gawin niya ang pelikula.

In love na in love si Rocco kay Lovi. Kung siya ang tatanungin, gusto niya na maging forever na ang kanilang relasyon.

Baguhan pa lamang si Rocco nang makapareha niya si Lovi sa isang teleserye. Ni sa panaginip, hindi sumagi sa kanyang isip na darating ang araw na magiging girlfriend niya ang anak ng King of Philippine Movies.

Ang balita ko, naghahanap si Rocco ng half-way house na malapit sa bahay ni Lovi sa Taguig City. Ganyan katindi ang pagmamahal niya sa dalaga.

Hindi na maabot si Rocco Nacino dahil dalawa ang presscon niya kahapon, ang pocket presscon para sa Ibong Adarna at ang grand presscon ng Hiram na Alaala, ang primetime drama series ng GMA 7 na magsisimula sa September 22.

Busy na si Rocco sa tapings ng Hiram na Alaala pero nakakahanap siya ng oras para makipagkita kay Lovi.

May conflict sa schedule ng magdyowa dahil kung kailan  matatapos na ang trabaho ni Lovi sa Ang Dalawang Mrs. Real, saka naging abala ang kanyang boyfriend. Ang Hiram na Alaala ang papalit sa timeslot ng Ang Dalawang Mrs. Real.

Jet7 mahilig magpatikim ng masasarap

Sumaglit ako kahapon sa presscon ng Celestine dahil kinuha ko ang ipinangako na masarap na pasta ng chef ng Jet7 Bistro, ang venue ng press conference para sa anniversary concert ni Toni Gonzaga.

Maraming-maraming salamat sa Jet7 Bistro owner dahil hindi siya nakakalimot na ipatikim sa akin ang kanyang mga bagong putahe.

Isa sa mga sponsor ng concert ni Toni ang Jet7 Bistro na nagiging paborito ng mga celebrity dahil sa masasarap na pagkain ng restaurant along Timog Avenue.

Jolo hindi kayang mabuhay na wala si Jodi

Alam ko na ang tunay na dahilan ng tampuhan ni Jodi Sta. Maria at ng kanyang boyfriend na si Cavite Vice-Gover­nor Jolo Revilla.

Nalaman ko ang buong katotohanan sa press launch ng Cosmo Body, ang slimming pills na ini-endorso ni Jodi.

Dahil mga anak-anakan ko ang dalawa, tikom ang bibig ko sa tunay na ugat ng kanilang tampuhan na naagapan kaya okey na uli ang relasyon nila. Hindi ko ma-imagine na mabubuhay si Jolo nang wala si Jodi. Minana ni Jolo ang pagiging faithful and martyr lover ng kanyang nanay na si Lani Mercado.

Makakatiyak si Jodi na siya lang ang babae sa buhay ni Jolo. Si Jodi na seksing-seksi ngayon dahil sa pagmamahal sa kanya ni Jolo at sa tulong ng Cosmo Body. 

 

vuukle comment

ALAALA

COSMO BODY

DAHIL

IBONG ADARNA

JODI

JOLO

LOVI

MRS. REAL

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with