^

Pang Movies

Anak ni Sunshine nagpapasalamat sa sakripisyo ng ina

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagulat kami sa isang post na ginawa ni Sunshine Cruz sa kanyang social networking account na tila nagsasabing may “nagpapabaya”. Pero wala namang clue kung sino iyon at ano iyon. Nagulat kami ulit nang makita pa namin ang isang mas naunang post kung saan may enclosed na isang sulat mula sa kanyang anak na si Samantha, na humihingi ng apology dahil sa nabasag na eye glasses.

Sinabi ng bata sa sulat na sinubukan daw niyang ayusin iyon pero hindi na nga puwede, at sinabi rin niyang alam niya kung papaano nagsisikap ang kanyang ina para mairaos ang kanilang pangangailangan, at ok lang kung hindi siya maibili ng kapalit ng nasira niyang salamin.

Sinagot na lang iyon ni Sunshine ng “I love you”.

Ayaw na naming magbigay pa ng kahit na anong comment na baka makasama sa iba. Mas mabuting kayo na lang ang makabasa ng sulat noong bata, na isinasama namin dito. Ayaw na­ming i-quote ang sulat. Mas mabuting kayo mismo ang makabasa kung ano ang sinabi noong bata, para hindi naman masabing may kinakampihan kami o nakikialam sa buhay nang may buhay.

Kaya lang naman namin nabanggit ang mga bagay na ito para ipakita ang damdamin ng isang bata, at kung papaano niya nauunawaan ang sitwasyon ng kanilang pamilya, at ang pagkilala niya sa pagsisikap ng kanyang ina na maibigay sa kanila ang lahat ng kanilang pangangailangan. Nakakatuwa ang attitude ni Samantha. Hindi lahat ng bata ay ganyan.

Ang karaniwan nga sa bata, basta may nasirang gamit, hihingi siya ng kapalit noon mula sa kanyang mga magulang at kung hindi mapalitan agad iyon, nagagalit sila. Pero hindi ganoon si Samantha, lumalabas na nauunawaan pa niya ang kanilang sitwasyon at nakahanda siyang magtiis kung hindi muna mapalitan ang nasira niyang gamit.

Kung ganyan ba naman ang anak mo, hahayaan mong hindi mapalitan agad kung anuman ang kailangan niya?

Megastar hindi pa tapos ang pakikipag-usap sa TV5

Muli kaming nakatanggap ng kopya ng statement ng mga managers ng Megastar na si Sharon Cuneta tungkol sa pre-termination ng kanyang contract sa TV5, na nagsasabing may mga bagay pa ngang kailangang ayusin at pag-usapan sa nangyaring iyon. Una na namin iyang natanggap sa pamamagitan ng e-mail, ngayon ay nagpadala nga sila ng hard copy, o official copy ng kanilang statement.

Kagaya nga ng sinabi namin, naniniwala ka­ming maaayos naman ang lahat ng iyan, at sa palagay namin ang magkabilang panig naman ay magiging satisfied sa kalalabasan ng anumang kasunduang kanilang papasukan, after all ang magkabilang panig naman ay nagsabing mahusay ang kanilang paghihiwalay. Pero siyempre, naroroon pa rin ang pananagutan ng isa’t isa sa paghihiwalay na iyon na dapat nga sigurong mapag-usapan nila nang legal.

vuukle comment

AYAW

IYON

KANILANG

KUNG

MEGASTAR

PERO

SAMANTHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with